Add parallel Print Page Options

14 Ipaalala mo sa kanila ang mga ito, at sa harap ng Diyos[a] ay pagbilinan mo sila na umiwas sa pagtatalo tungkol sa kahulugan ng mga salita. Wala itong ibinubungang mabuti at sa halip ay nagpapahamak lamang sa mga nakikinig.

Ang Manggagawa ng Diyos

15 Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, isang manggagawang walang anumang dapat ikahiya, at matapat sa pagtuturo ng katotohanan. 16 Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan, sapagkat lalo lang magtutulak ito sa mga tao sa higit pang kasamaan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Timoteo 2:14 Sa ibang matandang kasulatan, Panginoon.