Add parallel Print Page Options

Manggagawang Minarapat ng Diyos

14 Patuloy mong ipaala-ala sa kanila ang mga bagay na ito. Mahigpit mong iutos sa kanila, sa harapan ng Diyos, na huwag silang makikipagtalo patungkol sa mga salita na walang kabu­luhan at nakakapagpahamak sa mga nakikinig.

15 Pagsi­kapan mong mabuti na iyong iharap ang iyong sarili na katanggap-tanggap sa Diyos, isang manggagawa na walang dapat ikahiya, na itinuturo ng tama ang salita ng katotohanan. 16 Ngunit layuan mo ang usapang walang kabuluhan at mapaglapastangan sa Diyos sapagkat ang ganitong usapan ay nagbubunsod sa hindi pagkakilala sa Diyos.

Read full chapter