Add parallel Print Page Options

15 Pagsi­kapan mong mabuti na iyong iharap ang iyong sarili na katanggap-tanggap sa Diyos, isang manggagawa na walang dapat ikahiya, na itinuturo ng tama ang salita ng katotohanan. 16 Ngunit layuan mo ang usapang walang kabuluhan at mapaglapastangan sa Diyos sapagkat ang ganitong usapan ay nagbubunsod sa hindi pagkakilala sa Diyos. 17 Ang katuruan ng mga guma­gawa nito ay kumakalat na parang kanggrena. Sina Himeneo at Fileto ay kabilang dito.

Read full chapter