2 Timoteo 2:19-21
Ang Salita ng Diyos
19 Gayunman, ang matatag na saligan ng Diyos ay nakatindig nang matibay. Ito ang nakatatak dito:
Kilala ng Panginoon ang kabilang sa kaniya. Lumayo sa kalikuan ang bawat isang sumasambit sa pangalan ni Cristo.
20 Ngunit sa isang malaking bahay, hindi lamang mga kasangkapang gawa sa ginto at pilak ang naroon, subalit may mga kasangkapan ding gawa sa kahoy at putik. Ang ilang kasangkapan ay ginagamit sa pagpaparangal, ang iba ay ginagamit sa hindi pagpaparangal. 21 Kaya nga, kung nilinis ng isang tao ang mga bagay na ito na nasa kaniyang sarili, siya ay magiging kasangkapang kagamit-gamit sa pagpaparangal, pinaging-banal, kapaki-pakinabang siya sa kaniyang panginoon at nakahanda para sa bawat mabuting gawa.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International