Font Size
2 Timoteo 3:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Timoteo 3:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang mga Huling Araw
3 Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan. 2 Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. 3 Sila'y magiging walang pagmamahal sa kapwa, walang habag, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, marahas, at walang pagpapahalaga sa mabuti.
Read full chapter