Add parallel Print Page Options

10 Kumuha si Rispa na anak ni Aya ng isang magaspang na tela, at inilatag para sa kanyang sarili sa ibabaw ng bato, mula sa pasimula ng pag-aani hanggang sa ang ulan ay bumuhos mula sa langit. Hindi niya hinayaan ang mga ibon sa himpapawid na dumapo kapag araw o ang mga hayop sa parang kapag gabi.

11 Nang sabihin kay David ang ginawa ni Rispa na anak ni Aya, na babae ni Saul,

12 humayo(A) si David at kinuha ang mga buto nina Saul at Jonathan na kanyang anak sa mga lalaki ng Jabes-gilead, na siyang nagnanakaw ng mga iyon sa liwasang-bayan ng Bet-shan, sa lugar na pinagbitinan sa kanila ng mga Filisteo, nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa.

13 Kanyang kinuha mula roon ang mga buto nina Saul at Jonathan na kanyang anak; at kanilang tinipon ang mga buto ng mga ibinitin.

14 Kanilang ibinaon ang mga buto nina Saul at Jonathan na kanyang anak sa lupain ng Benjamin sa Zela, sa libingan ni Kish na kanyang ama; at kanilang tinupad ang lahat na iniutos ng hari. Pagkatapos, ang Diyos ay tumugon sa dalangin para sa lupain.

Read full chapter