2 Tesalonica 2:3-10
Ang Biblia (1978)
3 Huwag kayong padaya kanino man (A)sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, (B)maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at (C)mahayag ang taong makasalanan, (D)ang anak ng kapahamakan,
4 Na sumasalangsang at nagmamataas (E)laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.
5 Hindi baga ninyo naaalaala nang ako'y kasama ninyo pa, ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito?
6 At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan.
7 Sapagka't (F)ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.
8 At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, (G)na papatayin ng Panginoong Jesus (H)ng hininga ng kaniyang bibig, at (I)sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin;
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay (J)ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at (K)mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,
10 At may buong daya ng kalikuan sa (L)nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978