Font Size
3 Juan 10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Juan 10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Dahil dito, pagdating ko riyan ay ilalantad ko ang kanyang mga gawa, at ang mga paninirang sinabi niya laban sa amin. At hindi pa siya nasiyahan sa mga iyon; ayaw pa niyang tanggapin ang mga kapatid, at pinipigilan pa niya ang mga nagnanais tumanggap sa mga ito at pinapalayas sa iglesya.
11 Minamahal, huwag mong tularan ang masama kundi ang mabuti. Ang sinumang gumagawa ng mabuti ay sa Diyos; ang sinumang gumagawa ng masama ay hindi pa nakakita sa Diyos. 12 Nagpatotoo ang lahat tungkol kay Demetrio, pati na rin ang katotohanan. Kami rin ay nagpapatotoo tungkol sa kanya, at alam mong totoo ang aming patotoo.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.