Font Size
3 Juan 11-13
Ang Salita ng Diyos
3 Juan 11-13
Ang Salita ng Diyos
11 Minamahal, huwag ninyong tularan ang masama kundi ang mabuti. Ang gumagawa ng mabuti ay mula sa Diyos ngunit ang gumagawa ng masama ay hindi pa nakakita sa Diyos. 12 Maganda ang patotoo ng lahat tungkol kay Demetrio, maging ang katotohanan mismo ay nagpapatotoo sa kaniya. Kami ay nagpatotoo rin at alam ninyong ang aming patotoo ay tunay.
13 Maraming bagay pa akong isusulat ngunit hindi ko ibig na isulat sa iyo sa pamamagitan ng tinta at panulat.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International