Add parallel Print Page Options

12 Nagpatotoo ang lahat tungkol kay Demetrio, pati na rin ang katotohanan. Kami rin ay nagpapatotoo tungkol sa kanya, at alam mong totoo ang aming patotoo.

Mga Huling Pagbati

13 Marami pa akong isusulat sa iyo, subalit hindi ko nais gawin ito gamit ang panulat at tinta; 14 sa halip, hangad kong makita ka agad, at makapag-usap tayo nang harapan.

Read full chapter