Add parallel Print Page Options

10 Nilampasan na nila ang una at ikalawang bantay. Dumating sila sa pintuang bakal na patungo sa lungsod at ito ay kusang nabuksan para sa kanila. Sila ay lumabas at nagpatuloy sa isang lansangan. Bigla na lamang siyang iniwan ng anghel.

11 Nang maliwanagan si Pedro, sinabi niya: Ngayon ko nalamang totoong sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel upang iligtas ako mula sa kamay ni Herodes at sa mang­yayaring inaasahan ng mga Judio.

12 Habang pinag-iisipan niya ito, nakarating siya sa bahay ni Maria, na ina ni Juan, na tinatawag na Marcos. Nagkatipun-tipon dito ang marami at nananalangin. 13 Nang si Pedro ay tumuktok sa pintuan, lumabas at sumagot ang isang dalagita. Ang pangalan niya ay Roda. 14 Nang makilala niya ang tinig ni Pedro, hindi niya nabuksan ang tarangkahan sa tuwa. Siya ay tumakbo sa loob at ipinagbigay-alam na si Pedro ay nakatayo sa harap ng tarangkahan.

15 Sinabi nila sa kaniya: Nababaliw ka. Ngunit pinatutunayan niyang siya nga. Kaya sinabi nila: Iyon ay kaniyang anghel.

16 Ngunit si Pedro ay patuloy na kumakatok. Nang mabuksan na nila ang tarangkahan, nakita nila siya at namangha sila. 17 Ngunit hinudyatan niya sila na tuma­himik. Isinaysay niya sa kanila kung papaano siya inilabas ng Panginoon sa bilangguan. Sinabi niya: Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid. Siya ay umalis at nagpunta sa ibang dako.

18 Nang mag-umaga na, lubhang nagkagulo ang mga kawal dahil sa pagkawala ni Pedro. 19 Siya ay ipinahanap ni Herodes at hindi siya nasumpungan. Dahil dito siniyasat niya ang mga bantay at ipinag-utos na sila ay patayin. Siya ay lumusong sa Cesarea mula sa Judea at doon nanatili.

Namatay si Herodes

20 Galit na galit si Herodes sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. Sila ay nagkakaisang pumaroon sa kaniya. Nang mahimok nila si Blasto na katiwala ng hari, ipinamanhik nila ang pagkaka­sundo sapagkat ang lupain nila ay pinakakain ng lupain nghari.

Read full chapter