Mga Gawa 12:25-27:8
Ang Biblia (1978)
25 At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo, (A)nang maganap na nila ang kanilang ministerio, na kanilang isinama si (B)Juan na may pamagat na Marcos.
13 Sa iglesia nga na nasa (C)Antioquia ay may mga propeta at mga (D)guro, (E)si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si (F)Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni (G)Herodes na tetrarka, at si (H)Saulo.
2 At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at (I)nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing (J)itinawag ko sa kanila.
3 Nang magkagayon, (K)nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.
4 Sila nga, palibhasa'y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa Seleucia; at buhat doo'y nangaglayag hanggang sa (L)Chipre.
5 At nang sila'y nasasa Salamina, ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa (M)mga sinagoga ng mga Judio: at kanila namang katulong (N)si Juan.
6 At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos, ay nakasumpong sila ng (O)isang manggagaway, bulaang propeta, Judio, na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus;
7 Na kasama ng (P)proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios.
8 Datapuwa't si Elimas na manggagaway (sapagka't ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul.
9 Datapuwa't si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na (Q)puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata,
10 At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na (R)anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?
11 At ngayon, narito, nasa iyo (S)ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw (T)na kaunting panahon. At pagdaka'y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya'y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya'y aakay sa kamay.
12 Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon.
13 Nagsitulak nga sa (U)Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik (V)sa Jerusalem.
14 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at (W)sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.
15 At pagkatapos ng pagbasa ng (X)kautusan at ng (Y)mga propeta, (Z)ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong (AA)anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo.
16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay (AB)ikinikiya na nagsabi,
Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.
17 (AC)Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan (AD)ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas (AE)sila roon.
18 At nang panahong halos (AF)apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.
19 At (AG)nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya (AH)sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:
20 At (AI)pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.
21 At pagkatapos ay (AJ)nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios (AK)sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang (AL)lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.
22 At nang siya'y alisin niya, ay (AM)ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, (AN)Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang (AO)lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.
23 (AP)Sa binhi ng taong ito, (AQ)ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang (AR)Tagapagligtas, na si Jesus;
24 Noong unang ipangaral ni (AS)Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.
25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, (AT)Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.
26 Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, (AU)sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito.
27 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa (AV)hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta (AW)na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad (AX)ang hatol sa kaniya.
28 At bagaman (AY)hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin.
29 At (AZ)nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, (BA)ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan.
30 Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng (BB)Dios sa mga patay:
31 At (BC)siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, (BD)na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan.
32 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng (BE)pangakong ipinangako sa mga magulang,
33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, (BF)Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.
34 At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, (BG)Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.
35 Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, (BH)Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
36 Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.
37 Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan.
38 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na (BI)sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo (BJ)ang kapatawaran ng mga kasalanan:
39 At sa (BK)pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay (BL)inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.
40 Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta:
41 Tingnan ninyo, (BM)mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam:
Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan,
Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.
42 At pagalis nila, (BN)ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod.
43 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y (BO)hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios.
44 At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios.
45 Datapuwa't nang makita ng mga Judio ang mga karamihan, ay (BP)nangapuno ng kapanaghilian, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, at nagsipamusong.
46 At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang (BQ)salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang (BR)inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, (BS)kami ay pasasa mga Gentil.
47 Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi,
(BT)Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil,
Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
48 At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang (BU)lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.
49 At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.
50 Datapuwa't inudyukan (BV)ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang (BW)mahal, at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan.
51 Datapuwa't (BX)ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagsiparoon sa (BY)Iconio.
52 At ang mga alagad ay (BZ)nangapuspos ng kagalakan at (CA)ng Espiritu Santo.
14 At nangyari sa (CB)Iconio na sila'y magkasamang nagsipasok (CC)sa sinagoga ng mga Judio, at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa't nagsisampalataya ang lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego.
2 Datapuwa't (CD)inudyukan ng mga Judiong suwail ang mga kaluluwa ng mga Gentil, at pinasama sila laban sa mga kapatid.
3 Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng buong katapangan sa Panginoon, na nagpapatotoo sa (CE)salita ng kaniyang biyaya, na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan.
4 Datapuwa't nagkabahabahagi ang karamihan sa bayan; at ang isang bahagi'y nakisama sa mga Judio, at ang ibang bahagi'y nakisama sa mga (CF)apostol.
5 At nang gawin ang pagdaluhong ng mga Gentil at ng mga Judio naman na kasama ang kanilang mga pinuno, upang sila'y halayin at batuhin,
6 At sa pagkaalam nila nito, ay (CG)nagsitakas na patungo sa mga bayan ng Licaonia, (CH)Listra at Derbe, at sa palibotlibot ng lupain:
7 At doon nila ipinangaral ang evangelio.
8 At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y (CI)walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.
9 Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya (CJ)upang mapagaling,
10 Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. (CK)At siya'y lumukso at lumakad.
11 At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, (CL)Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao.
12 At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita.
13 At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.
14 Datapuwa't nang marinig ito (CM)ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay (CN)hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw
15 At nagsisipagsabi, Mga ginoo, (CO)bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong (CP)walang kabuluhan ay magsibalik kayo (CQ)sa Dios na buhay, (CR)na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:
16 Na nang mga panahong nakaraan (CS)ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan.
17 At gayon man ay (CT)hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili, na gumawa ng mabuti (CU)at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana, na pinupuno ang inyong mga puso ng (CV)pagkain at ng katuwaan.
18 At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.
19 Datapuwa't (CW)nagsirating ang mga Judiong buhat sa (CX)Antioquia at (CY)Iconio: at nang mahikayat nila ang mga karamihan, (CZ)ay kanilang pinagbabato si Pablo, at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan, na inaakalang siya'y patay na.
20 Datapuwa't samantalang ang mga alagad ay nangakatayo sa paligid niya, ay nagtindig siya, at pumasok sa bayan: at nang kinabukasa'y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa (DA)Derbe.
21 At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa Antioquia,
22 Na (DB)pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian (DC)ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.
23 At nang makapaglagay na sa kanila ng (DD)mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.
24 At kanilang tinahak ang (DE)Pisidia, at nagsiparoon sa Pamfilia.
25 At nang masalita na nila ang salita sa Perga, ay nagsilusong sila sa Atalia;
26 At buhat doo'y nagsilayag sila sa (DF)Antioquia, na doo'y ipinagtagubilin sila sa (DG)biyaya ng Dios dahil sa gawang kanilang natapos na.
27 At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, (DH)at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.
28 At nangatira silang hindi kakaunting panahon na kasama ng mga alagad.
15 At (DI)may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa (DJ)mga kapatid, na sinasabi, (DK)Maliban na kayo'y mangagtuli (DL)ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo mangaliligtas.
2 At nang magkaroon si Pablo at si Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at pakikipagtuligsaan sa kanila, ay ipinasiya ng mga kapatid na si Pablo at si Bernabe, at ang ilan sa kanila, ay magsiahon sa Jerusalem, sa mga apostol at sa (DM)mga matanda tungkol sa suliraning ito.
3 Sila nga, (DN)palibhasa'y inihatid ng iglesia sa kanilang paglalakbay, ay tinahak ang (DO)Fenicia at Samaria, (DP)na isinasaysay ang pagbabalik-loob ng mga Gentil: at sila'y nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid.
4 At nang sila'y magsidating sa Jerusalem, ay (DQ)tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda, (DR)at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa pamamagitan nila.
5 Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa sekta ng mga Fariseong nagsisampalataya na nangagsasabi, Kinakailangang sila'y tuliin, at sa kanila'y ipagbiling ganapin ang kautusan ni Moises.
6 At nangagkatipon ang mga apostol at ang mga matanda upang pagusapan ang bagay na ito.
7 At pagkatapos ng maraming pagtatalo, ay nagtindig si Pedro, at sinabi sa kanila,
(DS)Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya.
8 At ang Dios, na nakatataho ng puso, ay nagpatotoo (DT)sa kanila, (DU)na sa kanila'y ibinigay ang Espiritu Santo, na gaya naman ng kaniyang ginawa sa atin;
9 (DV)At tayo'y hindi niya itinangi sa kanila, na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso.
10 Ngayon nga bakit ninyo tinutukso ang Dios, (DW)na inyong nilalagyan ng pamatok ang batok ng mga alagad na kahit ang ating mga magulang ni tayo man ay hindi maaaring makadala?
11 Datapuwa't naniniwala tayo na tayo'y mangaliligtas (DX)sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, na gaya rin naman nila.
12 At nagsitahimik ang buong karamihan; at kanilang pinakinggan si Bernabe at si Pablo na nagsisipagsaysay ng mga tanda at ng mga kababalaghang ginawa ng Dios sa mga Gentil (DY)sa pamamagitan nila.
13 At nang matapos na silang magsitahimik, ay sumagot (DZ)si Santiago, na sinasabi, Mga kapatid, pakinggan ninyo ako:
14 (EA)Sinaysay na ni (EB)Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan.
15 At dito'y nasasangayon ang mga salita ng mga propeta; gaya ng nasusulat,
16 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako'y babalik,
(EC)At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak;
At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya.
At ito'y aking itatayo:
17 Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon,
At ng lahat ng mga Gentil, na tinatawag sa aking pangalan,
18 Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una.
19 Dahil dito'y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay (ED)nangagbabalik-loob sa Dios;
20 Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga (EE)ikahahawa sa diosdiosan, at sa (EF)pakikiapid, at sa binigti, at (EG)sa dugo.
21 Sapagka't si Moises mula nang unang panahon ay mayroon sa bawa't bayan na nangangaral tungkol sa kaniya, palibhasa'y (EH)binabasa sa mga sinagoga sa bawa't sabbath.
22 Nang magkagayo'y minagaling ng mga apostol at ng (EI)matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si (EJ)Silas na mga nangungulo sa (EK)mga kapatid:
23 At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia (EL)at Siria at Cilicia, ay bumabati:
24 Sapagka't aming nabalitaan na ang (EM)ilang nagsialis sa amin ay nangangbagabag sa inyo ng mga salita, na isininsay ang inyong mga kaluluwa; na sa kanila'y hindi kami nangagutos ng anoman;
25 Ay minagaling namin, nang mapagkaisahan na, na magsihirang ng mga lalake at suguin sila sa inyo na kasama ng aming mga minamahal na si Bernabe at si Pablo,
26 Na mga lalaking (EN)nangagsapanganib ng kanilang mga buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.
27 Kaya nga sinugo namin si Judas at si Silas, na mangagsasaysay din naman sila sa inyo ng gayon ding mga bagay sa salita ng bibig.
28 Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
29 Na kayo'y magsiilag sa mga (EO)bagay na inihain sa mga diosdiosan, at (EP)sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.
30 Kaya nga, nang sila'y mapayaon na, ay nagsilusong sa (EQ)Antioquia; at nang matipon na nila ang karamihan, ay kanilang ibinigay ang sulat.
31 At nang ito'y kanilang mabasa na, ay nangagalak dahil sa pagkaaliw.
32 Si Judas at si Silas, palibhasa'y mga (ER)propeta rin naman, ay inaralan ang mga kapatid ng maraming mga salita, at (ES)sila'y pinapagtibay.
33 At nang sila'y makapaggugol na ng ilang panahon doon, ay payapang pinapagbalik sila ng mga kapatid sa mga nagsipagsugo sa kanila.[a](ET)
35 Datapuwa't nangatira si Pablo at si Bernabe sa Antioquia, na itinuturo at ipinangangaral ang salita ng Panginoon, na kasama naman ng ibang marami.
36 At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe, Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid (EU)sa bawa't bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang lagay nila.
37 At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si (EV)Juan, na tinatawag na Marcos.
38 Datapuwa't hindi minagaling ni Pablo na isama nila (EW)ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia, at hindi sumama sa kanila sa gawain.
39 At nagkaroon ng pagtatalo, ano pa't sila'y naghiwalay, at isinama ni (EX)Bernabe si Marcos, at lumayag sa (EY)Chipre:
40 Datapuwa't hinirang ni Pablo si (EZ)Silas, at yumaon, na sila'y (FA)ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Panginoon.
41 At kaniyang tinahak ang (FB)Siria at Cilicia, (FC)na pinagtitibay ang mga iglesia.
16 At siya'y naparoon din naman sa (FD)Derbe at sa Listra: at narito, naroon ang isang alagad, na nagngangalang (FE)Timoteo, na (FF)anak ng isang Judiang sumasampalataya; datapuwa't Griego ang kaniyang ama.
2 Siya'y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio.
3 Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya; at (FG)kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon: sapagka't nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama'y Griego.
4 At sa kanilang pagtahak sa mga bayan, ay ibinigay sa kanila (FH)ang mga utos na inilagda ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem, upang kanilang tuparin.
5 Kaya nga, (FI)ang mga iglesia'y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw.
6 At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at (FJ)Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia;
7 At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;
8 At pagkaraan nila sa Misia, ay nagsilusong sila sa (FK)Troas.
9 At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo: May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo, na namamanhik sa kaniya, at sinasabi, Tumawid ka sa Macedonia, at tulungan mo kami.
10 At pagkakita niya sa pangitain, pagdaka'y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia, na pinatutunayang kami'y tinawag ng Dios upang sa kanila'y ipangaral ang evangelio.
11 Pagtulak nga sa Troas, ay pinunta namin ang Samotracia, at nang kinabukasa'y ang Neapolis;
12 At mula doo'y (FL)ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang (FM)una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon.
13 At nang araw (FN)ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon.
14 At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng (FO)Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo.
15 At nang siya'y mabautismuhan na, (FP)at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako'y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo'y magsitira doon. At kami'y pinilit niya.
16 At nangyari, na nang kami'y nagsisiparoon sa mapapanalanginan, ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula, at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula.
17 Siya'y sumusunod kay Pablo at sa amin at nagsisigaw, na sinasabi, Mga alipin ng Kataastaasang Dios ang mga taong ito, na nagsisipangaral sa inyo ng daan ng kaligtasan.
18 At maraming mga araw na ginawa niya ito. Datapuwa't palibhasa'y si Pablo ay totoong nababagabag, ay lumingon at sinabi sa espiritu, Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Jesucristo na lumabas ka sa kaniya. At ito ay lumabas nang oras ding yaon.
19 Datapuwa't nang makita ng (FQ)kaniyang mga panginoon na wala na ang inaasahan nilang kapakinabangan, ay hinuli nila si Pablo at si Silas, at kinaladkad sila sa pamilihan, sa harapan ng mga may kapangyarihan,
20 At nang maiharap na sila sa mga hukom, ay sinabi nila, Ang mga lalaking ito, palibhasa'y mga Judio, (FR)ay nagsisipanggulong totoo sa ating bayan,
21 At nangaghahayag ng mga kaugaliang hindi matuwid nating tanggapin, o gawin, palibhasa tayo'y (FS)Romano.
22 At samasamang nagsitindig ang karamihan laban sa kanila: at hinapak ng mga hukom ang kanilang mga damit, at (FT)ipinapalo sila ng mga panghampas.
23 At nang sila'y (FU)mapalo na nila ng marami, ay ipinasok sila sa bilangguan, na ipinagtatagubilin sa tagapamahala na sila'y bantayang maigi:
24 Na, nang tanggapin nito ang gayong tagubilin, ay ipinasok sila sa kalooblooban ng bilangguan, at piniit ang kanilang mga paa sa mga pangawan.
25 Datapuwa't nang maghahatinggabi na si Pablo at si Silas ay nagsipanalangin at nagsiawit ng mga himno sa Dios, at sila'y pinakikinggan ng mga bilanggo;
26 At (FV)kaginsaginsa'y nagkaroon ng isang malakas na lindol, ano pa't nangagsiuga ang mga patibayan ng bahay-bilangguan: at pagdaka'y nangabuksan ang (FW)lahat ng mga pinto; at nangakalas ang mga gapos ng bawa't isa.
27 At ang tagapamahala, palibhasa'y nagising sa pagkakatulog at nang makitang bukas ang mga pinto ng bilangguan, ay binunot ang kaniyang tabak at magpapakamatay sana, sa pagaakalang nangakatakas na ang mga bilanggo.
28 Datapuwa't sumigaw si Pablo ng malakas na tinig, na sinasabi, Huwag mong saktan ang iyong sarili: sapagka't nangaririto kaming lahat.
29 At siya'y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas,
30 At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?
31 At kanilang sinabi, (FX)Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at (FY)ang iyong sangbahayan.
32 At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay.
33 At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.
34 At sila'y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay, at hinainan sila ng pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.
35 Datapuwa't nang umaga na, ang mga hukom ay nangagsugo ng mga sarhento, na nagsasabi, Pawalan mo ang mga taong iyan.
36 At iniulat ng tagapamahala kay Pablo ang mga salitang ito, na sinasabi, Ipinagutos ng mga hukom na kayo'y pawalan: ngayon nga'y magsilabas kayo, at magsiyaon kayong payapa.
37 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Pablo, Pinalo nila kami sa hayag, na hindi nangahatulan, (FZ)bagama't mga lalaking Romano, at kami'y ibinilanggo; at ngayo'y lihim na kami'y pinawawalan nila? tunay na hindi nga; kundi sila rin ang magsiparito at kami'y pawalan.
38 At iniulat ng mga sarhento ang mga salitang ito sa mga hukom: at (GA)sila'y nangatakot nang kanilang marinig na sila'y mga Romano;
39 At sila'y nagsiparoon at pinamanhikan sila; at nang kanilang mailabas na sila, ay hiniling nila (GB)sa kanila na magsilabas sa bayan.
40 At sila'y nagsilabas sa bilangguan, at (GC)nagsipasok sa bahay ni Lidia: at nang makita nila ang mga kapatid, ay kanilang inaliw sila, at nagsialis.
17 Pagkatahak nga nila sa Amfipolis at sa Apolonia, ay nagsirating sila sa (GD)Tesalonica, na kinaroroonan ng isang sinagoga ng mga Judio.
2 At si Pablo, ayon sa ugali niya (GE)ay pumasok sa kanila, at sa tatlong sabbath ay nangatuwiran sa kanila (GF)sa mga kasulatan,
3 Na binubuksan at pinatunayan (GG)na kinakailangang si Cristo ay maghirap, at muling mabuhay sa mga patay; at itong si Jesus, aniya, na aking ipinangangaral sa inyo, ay siyang Cristo.
4 At nangahikayat ang ilan sa kanila, at nakikampi kay Pablo at kay Silas; at gayon din ang lubhang maraming mga (GH)Griegong masisipag sa kabanalan, at hindi kakaunting mga babaing mararangal.
5 Datapuwa't ang mga Judio, palibhasa'y nangaudyokan ng inggit, ay nangagsama ng ilang masasamang tao sa pamilihan, at pagkatipon ng isang karamihan, ay ginulo ang bayan; at pagkalusob sa bahay ni Jason, ay pinagsikapan nilang sila'y iharap sa mga tao.
6 At nang hindi sila mangasumpungan, ay kanilang kinaladkad si Jason at ang ilang (GI)kapatid sa harap ng mga punong bayan, na ipinagsisigawan, (GJ)Itong mga nagsisipagtiwarik ng sanglibutan, ay nagsiparito rin naman;
7 Na tinanggap sila ni Jason: at ang lahat ng mga ito ay nagsisigawa ng laban sa mga utos ni Cesar, na nagsasabing may ibang hari, si Jesus.
8 At kanilang ginulo ang karamihan at ang mga punong bayan, nang kanilang marinig ang mga bagay na ito.
9 At nang matanggap na nila ang pinakaako kay Jason at sa mga iba, ay kanilang pinawalan sila.
10 At pagdaka'y (GK)pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea: na nang dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio.
11 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka't tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.
12 Kaya nga marami sa kanila ang mga nagsisampalataya; gayon din sa mga babaing Griega (GL)na may mga kalagayang mahal, at sa mga lalake, ay hindi kakaunti.
13 Datapuwa't nang maunawa ng mga Judiong taga Tesalonica na sa Berea ay ipinangangaral din ni Pablo ang salita ng Dios, ay nagsiparoon din naman, na ginulo at binagabag ang mga karamihan.
14 At nang magkagayo'y pagdaka'y pinayaon (GM)ng mga kapatid si Pablo na pumaroon hanggang sa dagat: at nangatira pa roon si Silas at si (GN)Timoteo.
15 Datapuwa't silang mga nagsipaghatid kay Pablo ay (GO)dinala siya hanggang sa Atenas: at nang matanggap na nila ang pautos kay Silas at kay Timoteo na madalingmadali silang magsiparoon sa kaniya, ay nagsialis sila.
16 Samantala ngang sila'y hinihintay ni Pablo sa Atenas, ay namuhi ang kaniyang espiritu sa loob niya sa pagkamasid niya sa bayan na puno ng diosdiosan.
17 Kaya't (GP)sa sinagoga'y nakipagmatuwiran siya sa (GQ)mga Judio at sa mga taong (GR)masisipag sa kabanalan, at sa araw-araw sa pamilihan sa mga nakikipagkita sa kaniya.
18 At ilan naman sa mga pilosopong Epicureo at Estoico ay nakipagtalo sa kaniya. At sinabi ng ilan, Anong ibig sabihin ng masalitang ito? binagabag ang mga iba, Parang siya'y tagapagbalita ng mga ibang dios: sapagka't ipinangangaral niya si Jesus at ang (GS)pagkabuhay na maguli.
19 At siya'y tinangnan nila, at dinala siya sa Areopago, na sinasabi, Mangyayari bagang maalaman namin kung ano itong bagong aral, na sinasalita mo?
20 Sapagka't naghahatid ka ng mga kakaibang bagay sa aming mga tainga: ibig nga naming maalaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito.
21 (Lahat nga ng mga Ateniense at ang mga taga ibang bayang nakikipamayan doon ay walang ibang ginagawa, kundi ang magsipagsaysay o mangakinig ng anomang bagay na bago.)
22 At tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago, at sinabi,
Kayong mga lalaking taga Atenas, sa lahat ng mga bagay ay napapansin kong kayo'y lubhang relihioso.
23 Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko.
24 (GT)Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, (GU)ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;
25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, (GV)na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng (GW)buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;
26 At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at (GX)ang mga hangganan ng kanilang tahanan;
27 Upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila siya at siya'y masumpungan, bagaman (GY)hindi siya malayo sa bawa't isa sa atin:
28 Sapagka't (GZ)sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: (HA)na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula,
Sapagka't tayo nama'y sa kaniyang lahi.
29 Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.
30 Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng (HB)Dios; datapuwa't ngayo'y (HC)ipinag-uutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako:
31 Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang (HD)ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, (HE)nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay.
32 At nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay na maguli, ay nanglibak ang ilan; datapuwa't sinabi ng mga iba, Pakikinggan ka naming muli tungkol dito.
33 Sa gayo'y umalis si Pablo sa gitna nila.
34 Datapuwa't nakisama sa kanya ang ilang mga tao, at nagsisampalataya: na sa mga yao'y isa si Dionisio na (HF)Areopagita, at ang isang babaing nagngangalang Damaris, at mga iba pang kasama nila.
18 Pagkatapos ng mga bagay na ito'y umalis siya sa Atenas, at napasa (HG)Corinto.
2 At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang (HH)Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagka't ipinagutos ni (HI)Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma: at siya'y lumapit sa kanila;
3 At sapagka't ang hanap-buhay niya'y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, (HJ)at sila'y nagsigawa: sapagka't ang hanap-buhay nila'y gumawa ng mga tolda.
4 At siya'y nangangatuwiran tuwing sabbath (HK)sa sinagoga, at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego.
5 Datapuwa't nang si Silas at si Timoteo ay (HL)magsilusong mula sa (HM)Macedonia, si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si (HN)Jesus ang siyang Cristo.
6 At nang sila'y magsitutol at magsipamusong, (HO)ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila'y sinabi, Ang inyong dugo'y sumainyong sariling mga ulo: ako'y malinis: (HP)buhat ngayo'y paparoon ako sa mga Gentil.
7 At siya'y umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo, na (HQ)isang sumasamba sa Dios, na ang bahay niya'y karugtong ng sinagoga.
8 At si (HR)Crispo, (HS)ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.
9 At sinabi (HT)ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik:
10 Sapagka't ako'y sumasaiyo, (HU)at sinoma'y hindi ka madadaluhong upang saktan ka: sapagka't makapal ang mga tao ko sa bayang ito.
11 At siya'y tumahan doong isang taon at anim na buwan, na itinuturo sa kanila ang salita ng Dios.
12 Datapuwa't nang si Galion ay (HV)proconsul ng (HW)Acaya ang mga Judio ay nangagkaisang nangagsitindig laban kay Pablo at (HX)siya'y dinala sa harapan ng hukuman,
13 Na nagsasabi, Hinihikayat ng taong ito ang mga tao upang magsisamba sa Dios laban sa (HY)kautusan.
14 Datapuwa't nang bubukhin na ni Pablo ang kaniyang bibig, ay sinabi ni Galion sa mga Judio, (HZ)Kung ito'y tunay na masamang gawa o mabigat na kasalanan, Oh mga Judio, may matuwid na tiisin ko kayo:
15 Datapuwa't kung mga pagtatalo tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong sariling kautusan, kayo sa inyong sarili na ang bahala noon; ayaw kong maging hukom sa mga bagay na ito.
16 At sila'y pinalayas niya sa hukuman.
17 At hinawakan nilang lahat si (IA)Sostenes, (IB)na pinuno sa sinagoga, at siya'y hinampas sa harapan ng hukuman. At hindi man lamang pinansin ni Galion ang mga bagay na ito.
18 At si Pablo, pagkatapos na makatira na roong maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid, at buhat doo'y lumayag na patungo sa (IC)Siria, at kasama niya si (ID)Priscila at si Aquila: na (IE)inahit niya ang kaniyang buhok sa (IF)Cencrea; sapagka't siya'y may panata.
19 At sila'y nagsidating sa Efeso, at sila'y iniwan niya doon: datapuwa't pumasok siya sa sinagoga, at nangatuwiran sa mga Judio.
20 At nang siya'y pamanhikan nila na tumigil pa roon ng ilang panahon, ay hindi siya pumayag;
21 Kundi nang siya'y nagpaalam sa kanila, at nagsabi, Babalik uli ako sa inyo kung loobin ng Dios, siya'y naglayag buhat sa Efeso.
22 At nang makalunsad na siya sa (IG)Cesarea, ay siya'y umahon at bumati sa iglesia, at lumusong sa (IH)Antioquia.
23 At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon, ay umalis siya, at tinahak ang lupain ng (II)Galacia, at Frigia, na sunodsunod, (IJ)na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad.
24 Ngayon ang isang Judio na nagngangalang (IK)Apolos, na isang (IL)Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya'y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan.
25 Ang taong ito'y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa'y may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, (IM)na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan:
26 At siya'y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga. Datapuwa't nang siya'y marinig ni Priscila at ni (IN)Aquila, ay kanilang isinama siya, at isinaysay sa kaniya (IO)ang daan ng Panginoon ng lalong maingat.
27 At nang ibig niyang lumipat sa (IP)Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila'y nagsisulat sa mga alagad na siya'y tanggapin: at nang siya'y dumating doon, (IQ)ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya;
28 Sapagka't may kapangyarihang dinaig niya ang mga (IR)Judio, at hayag, na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo.
19 At nangyari, na, samantalang si (IS)Apolos ay nasa (IT)Corinto, pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa (IU)Efeso, at nakasumpong ng ilang mga alagad:
2 At sa kanila'y sinabi niya, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y magsisampalataya? At sinabi nila sa kaniya, Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay (IV)na Espiritu Santo.
3 At sinabi niya, Kung gayo'y sa ano kayo binautismuhan? At sinabi nila, (IW)Sa bautismo ni Juan.
4 At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si (IX)Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan (IY)na sila'y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid baga'y kay Jesus.
5 At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila (IZ)sa pangalan ng Panginoong Jesus.
6 At nang maipatong na ni (JA)Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at (JB)sila'y nagsipagsalita ng mga wika, (JC)at nagsipanghula.
7 At silang lahat ay may labingdalawang lalake.
8 At siya'y pumasok (JD)sa sinagoga, at nagsalitang may katapangan sa loob ng tatlong buwan, na nangangatuwiran at nanghihikayat tungkol sa mga bagay na nauukol sa kaharian ng Dios.
9 Datapuwa't nang magsipagmatigas ang ilan at ayaw magsipaniwala, na pinagsasalitaan ng masama (JE)ang Daan sa harapan ng karamihan, ay umalis siya sa kanila, at inihiwalay ang mga alagad, na nangangatuwiran araw-araw sa paaralan ni Tiranno.
10 At (JF)ito'y tumagal sa loob ng dalawang taon; ano pa't ang lahat ng mga nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng salita ng Panginoon, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego.
11 At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo:
12 Ano pa't ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti (JG)sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit, at nangagsisilabas ang masasamang espiritu.
13 Datapuwa't (JH)ilan sa mga Judiong pagalagala na nagsisipagpalayas ng masasamang espiritu, ay nagsipangahas na sambitlain ang pangalan ng Panginoong Jesus sa mga may masasamang espiritu, na nagsisipagsabi, Ipinamamanhik ko sa inyo sa pamamagitan ni Jesus na siyang ipinangangaral ni Pablo.
14 At may pitong anak na lalake ang isang Esceva na Judio, (JI)isang pangulong saserdote, na nagsisigawa nito.
15 At sumagot ang masamang espiritu at sa kanila'y sinabi, Nakikilala ko si Jesus, at nakikilala ko si Pablo; datapuwa't sino-sino kayo?
16 At ang taong kinaroroonan ng masamang espiritu ay lumukso sa kanila, at sila'y kaniyang natalo, at nadaig sila, ano pa't nagsitakas sila sa bahay na yaon na mga hubo't hubad at mga sugatan.
17 At nahayag ito sa lahat, sa mga Judio at gayon din sa mga Griego, na nangananahanan sa Efeso; at (JJ)sinidlan silang lahat ng takot, at pinadakila ang pangalan ng Panginoong Jesus.
18 Marami rin naman sa mga nagsisampalataya na ang nagsidating, na ipinahahayag at isinasaysay ang kanilang mga gawain.
19 At hindi kakaunti sa mga nagsisigamit ng mga kabihasnang magica ay nagsipagtipon ng kanilang mga aklat, at pinagsusunog sa paningin ng lahat; at kanilang binilang ang halaga niyaon, at nasumpungang may limampung libong putol na pilak.
20 Sa gayo'y lumagong totoo (JK)ang salita ng Panginoon at nanaig.
21 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ay ipinasiya ni (JL)Pablo sa espiritu, (JM)nang matahak na niya ang (JN)Macedonia at ang (JO)Acaya, na pumaroon sa Jerusalem, na sinasabi, Pagkapanggaling ko roon, (JP)ay kinakailangang makita ko naman ang Roma.
22 At nang maisugo na niya sa Macedonia ang dalawa sa nagsisipaglingkod sa kaniya, na si (JQ)Timoteo at si (JR)Erasto, siya rin ay natirang ilang panahon sa Asia.
23 At halos nang panahong yao'y may nangyaring hindi mumunting kaguluhan tungkol (JS)sa Daan.
24 Sapagka't may isang taong nagngangalang Demetrio, panday-pilak, na gumagawa ng maliliit na dambanang pilak ni Diana, ay nagbibigay (JT)ng hindi kakaunting hanap-buhay sa mga panday;
25 Na sila'y kaniyang tinipon pati ng mga manggagawa ng mga gayong gawa, at sinabi, Mga Ginoo, talastas ninyo na nagsisiyaman tayo sa hanap-buhay na ito.
26 At inyong nakikita at naririnig, na hindi lamang sa Efeso, kundi halos sa buong Asia, ay nakaakit ang Pablong ito at naghiwalay ng maraming mga tao, na sinasabing (JU)hindi raw mga dios, ang mga ginagawa ng mga kamay:
27 At hindi lamang may panganib na mawalang kapurihan ang hanapbuhay nating ito; kundi naman ang templo ng dakilang diosa Diana ay mawawalan ng halaga, at hanggang sa malugso ang kadakilaan niya na sinasamba ng buong Asia at ng sanglibutan.
28 At nang marinig nila ito'y nangapuno sila ng galit, at nangagsigawan, na nagsipagsabi, Dakila ang Diana ng mga taga Efeso.
29 At napuno ng kaguluhan ang bayan: at pinagkaisahan nilang lusubin ang dulaan, na sinunggaban si (JV)Gayo at si (JW)Aristarco, mga lalaking taga Macedonia, na (JX)kasama ni Pablo sa paglalakbay.
30 At nang inakala ni Pablo na pasukin ang mga tao, ay hindi siya tinulutan ng mga alagad.
31 At ang ilan din naman sa mga puno sa Asia, palibhasa'y kaniyang mga kaibigan, ay nangagpasugo sa kaniya at siya'y pinakiusapang huwag siyang pumaroon sa dulaan.
32 At ang iba nga'y sumisigaw ng isang bagay, at ang iba'y iba naman: sapagka't ang pulong ay nasa kaguluhan; at hindi maalaman ng karamihan kung bakit sila'y nangagkatipon.
33 At kanilang inilabas si Alejandro sa karamihan, na siya'y itinutulak ng mga Judio sa dakong harap. (JY)At inihudyat ang kamay ni Alejandro, at ibig sanang magsanggalang sa harapan ng bayan.
34 Datapuwa't nang matalastas nilang siya'y Judio, ay nangagkaisang lahat na mangagsigawan sa loob halos ng dalawang oras, Dakila ang Diana ng mga Efeso.
35 At nang mapatahimik na ng kalihim-bayan ang karamihan, ay kaniyang sinabi, Kayong mga lalaking taga Efeso, sino sa mga tao ang hindi nakakaalam na ang bayan ng mga Efeso ay tagapagingat ng templo ng dakilang Diana, at ng larawang nahulog mula kay Jupiter?
36 Yamang hindi nga maikakaila ang mga bagay na ito, ay dapat kayong magsitahimik, at huwag magsigawa ng anomang bagay sa madalian.
37 Sapagka't dinala ninyo rito ang mga taong ito, na hindi mga mangloloob sa templo, ni mga mamumusong man sa ating diosa.
38 Kung si Demetrio nga, at ang mga panday na kasama niya, ay mayroong anomang sakdal laban sa kanino man, ay bukas ang mga hukuman, at may mga (JZ)proconsul: bayaan ninyong mangagsakdal ang isa't isa.
39 Datapuwa't kung may inuusig kayo sa ano pa mang ibang mga bagay, ay mahahatulan sa karaniwang kapulungan.
40 Sapagka't totoong nanganganib tayo na mangasakdal tungkol sa pagkakagulo sa araw na ito, palibhasa'y walang anomang kadahilanan: at tungkol dito ay hindi tayo makapagbibigay sulit tungkol sa pagkakatipong ito.
41 At nang siya'y makapagsalitang gayon, ay pinaalis niya ang kapulungan.
20 At pagkatapos na mapatigil ang kaguluhan, nang maipatawag na ni Pablo ang mga alagad at sila'y mapangaralan, ay nagpaalam sa kanila, at (KA)umalis upang pumaroon sa (KB)Macedonia.
2 At nang matahak na niya ang mga dakong yaon, at maaralan na sila ng marami, siya'y napasa Grecia.
3 At nang siya'y makapaggugol na ng tatlong buwan doon, at mapabakayan siya ng mga Judio nang siya'y lalayag na sa (KC)Siria, ay pinasiyahan niyang bumalik na magdaan sa Macedonia.
4 At siya'y sinamahan hanggang sa Asia, ni Sopatro na (KD)taga Berea, na anak ni Pirro; at ng mga taga (KE)Tesalonicang si (KF)Aristarco at si Segundo; at ni (KG)Gayo na taga (KH)Derbe, at ni (KI)Timoteo; at ng mga taga Asiang si (KJ)Tiquico at si (KK)Trofimo.
5 Datapuwa't nangauna ang mga ito, at hinintay kami sa (KL)Troas.
6 At kami'y nagsilayag mula sa Filipos pagkaraan ng mga kaarawan (KM)ng mga tinapay na walang lebadura, at nagsidating kami sa kanila sa Troas sa loob ng limang araw; na doo'y nagsitira kaming pitong araw.
7 At (KN)nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan (KO)upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.
8 At may maraming mga ilaw sa silid sa itaas na pangkatipunan namin.
9 At may nakaupo sa durungawan na isang binatang nagngangalang Eutico, na mahimbing sa pagtulog; at samantalang si Pablo ay nangangaral ng mahaba, palibhasa'y natutulog ay nahulog buhat sa ikatlong grado, at siya'y binuhat na patay.
10 At nanaog si Pablo, at (KP)dumapa sa ibabaw niya, at siya'y niyakap na sinabi, Huwag kayong magkagulo; sapagka't nasa kaniya ang kaniyang buhay.
11 At nang siya'y makapanhik na, at (KQ)mapagputolputol na ang tinapay, at makakain na, at makapagsalita sa kanila ng mahaba, hanggang sa sumikat ang araw, kaya't siya'y umalis.
12 At kanilang dinalang buhay ang binata, at hindi kakaunti ang kanilang pagkaaliw.
13 Datapuwa't kami, na nangauna sa daong, ay nagsilayag na patungong Ason, na doon namin inaakalang ilulan si Pablo: sapagka't gayon ang kaniyang ipinasiya, na ninanasa niyang maglakad.
14 At nang salubungin niya kami sa Ason, siya'y inilulan namin, at nagsiparoon kami sa Mitilene.
15 At pagtulak namin doon, ay sumapit kami nang sumunod na araw sa tapat ng Chio; at nang kinabukasan ay nagsidaong kami sa Samo; at nang kinabukasan ay nagsirating kami sa Mileto.
16 Sapagka't ipinasiya ni Pablo na lampasan ang Efeso, upang huwag na siyang maggugol ng panahon sa Asia; (KR)sapagka't siya'y nagmamadali upang kung maaari ay dumating sa Jerusalem sa araw ng Pentecostes.
17 At mula sa Mileto ay nagpasugo siya sa Efeso, at ipinatawag (KS)ang mga matanda sa iglesia.
18 At nang sila'y magsidating sa kaniya, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo, na mula nang unang araw na ako'y tumungtong sa Asia, kung paano ang pakikisama ko sa inyo sa buong panahon,
19 Na ako'y naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip, at ng mga luha, at ng mga pagsubok na dumating sa akin (KT)dahil sa mga pagbakay ng mga Judio;
20 Kung paanong hindi ko ikinait na ipahayag sa inyo ang anomang bagay na pakikinabangan, at hayag na itinuro sa inyo, at sa mga bahay-bahay,
21 Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios, at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo.
22 At ngayon, narito, ako na natatali sa espiritu ay pasasa Jerusalem, na hindi nalalaman ang mga bagay na mangyayari sa akin doon:
23 Maliban na pinatotohanan sa akin (KU)ng Espiritu Santo sa bawa't bayan, (KV)na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin.
24 Datapuwa't (KW)hindi ko minamahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga, maganap ko lamang ang aking katungkulan, (KX)at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Jesus, na magpatotoo ng evangelio ng biyaya ng Dios.
25 At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha.
26 Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako'y (KY)malinis sa dugo ng lahat ng mga tao.
27 Sapagka't hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Dios.
28 (KZ)Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong (LA)kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga (LB)obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon (LC)na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
29 Aking talastas na pagalis ko (LD)ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;
30 At magsisilitaw (LE)sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.
31 Kaya nga kayo'y mangagpuyat, (LF)na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha.
32 At ngayo'y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios, at (LG)sa salita ng kaniyang biyaya, na (LH)makapagpapatibay, at (LI)makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal.
33 Hindi ko inimbot ang pilak ninoman, (LJ)o ang ginto, o ang pananamit.
34 Nalalaman din ninyo na (LK)ang mga kamay na ito ay nangaglilingkod sa mga kinakailangan ko, at (LL)sa aking mga kasamahan.
35 Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay, (LM)na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya rin ang may sabi, Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap.
36 At nang makapagsalita na siya ng gayon, ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat.
37 At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangagsiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y hinagkan nila.
38 Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang (LN)sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha. At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong.
21 At nang mangyaring kami'y mangakahiwalay na sa kanila at mangaglayag, ay tuloytuloy na pinunta namin ang Coos, at nang kinabukasa'y ang Rodas, at buhat doo'y ang Patara:
2 At nang aming masumpungan ang isang daong na dumaraang patungo sa Fenicia, ay nagsilulan kami, at nagsipaglayag.
3 At nang matanaw namin ang Chipre, na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa (LO)Siria, at nagsidaong sa Tiro; sapagka't ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan.
4 At nang masumpungan ang mga alagad, ay nangatira kami doong pitong araw: at sinabi ng mga ito kay Pablo na (LP)sa pamamagitan ng Espiritu, na huwag siyang tutungtong sa Jerusalem.
5 At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, (LQ)ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa;
6 At nagsilulan kami sa daong, datapuwa't sila'y muling nagsiuwi sa bahay.
7 At nang aming matapos ang paglalayag buhat sa Tiro, ay nagsidating kami sa Tolemaida; at kami'y nagsibati sa mga kapatid, at kami'y nagsitahan sa kanilang isang araw.
8 At nang kinabukasan ay nagsialis kami, at nagsidating sa (LR)Cesarea: at sa pagpasok namin sa bahay ni (LS)Felipe na evangelista, na isa sa pito, ay nagsitahan kaming kasama niya.
9 Ang tao ngang ito'y may apat na anak na binibini, (LT)na nagsisipanghula.
10 At sa pagtira namin doong ilang araw, ay dumating na galing sa Judea ang isang propeta, na nagngangalang (LU)Agabo.
11 At paglapit sa amin, at pagkakuha ng (LV)pamigkis ni Pablo, ay ginapos niya ang kaniyang sariling mga paa't kamay, at sinabi, Ganito ang sabi ng Espiritu Santo, (LW)Ganitong gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Gentil.
12 At nang marinig namin ang mga bagay na ito, kami at gayon din ang nangaroroon doon ay nagsipamanhik sa kaniya na huwag ng umahon sa Jerusalem.
13 Nang magkagayo'y sumagot si Pablo, (LX)Anong ginagawa ninyo, na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso? sapagka't ako'y nahahanda na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus.
14 At nang hindi siya pahikayat ay nagsitigil kami, na nagsisipagsabi, Mangyari ang kalooban ng Panginoon.
15 At pagkatapos ng mga araw na ito ay binuhat namin ang aming daladalahan at nagsiahon kami sa Jerusalem.
16 At nagsisama naman sa aming mula sa Cesarea ang ilan sa mga alagad, at kanilang isinama ang isang Mnason, na taga Chipre, isa sa mga kaunaunahang alagad, na sa kaniya kami magsisipanuluyan.
17 At nang magsidating kami sa Jerusalem, ay tinanggap kami ng mga kapatid na may kagalakan.
18 At nang sumunod na araw ay pumaroon si Pablo na kasama kami kay (LY)Santiago; at ang lahat (LZ)ng mga matanda ay nangaroroon.
19 At nang sila'y mangabati na niya, (MA)ay isaisang isinaysay niya sa kanila ang mga bagay na ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministerio.
20 At sila, nang kanilang marinig yaon, (MB)ay niluwalhati ang Dios; at sa kaniya'y sinabi nila, Nakikita mo na, kapatid, kung ilang libo-libo ang mga Judio na nagsisisampalataya; at silang lahat ay pawang (MC)masisikap sa kautusan.
21 At nabalitaan nila tungkol sa iyo, na itinuturo mo sa lahat ng mga Judio na nangasa mga Gentil na magsihiwalay kay Moises, na sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak ni mangagsilakad ng ayon sa mga (MD)kaugalian.
22 Ano nga baga ito? tunay na kanilang mababalitaang dumating ka.
23 Gawin mo nga itong sinasabi namin sa iyo: Mayroon kaming apat katao na may panata sa kanilang sarili;
24 Isama mo sila, (ME)maglinis kang kasama nila, at pagbayaran mo ang kanilang magugugol, upang (MF)sila'y mangagpaahit ng kanilang mga ulo: at maalaman ng lahat na walang katotohanan ang mga bagay na kanilang nabalitaan tungkol sa iyo; kundi ikaw rin naman ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan.
25 Nguni't tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, (MG)na pinagpayuhang sila'y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid.
26 Nang magkagayo'y isinama ni Pablo ang mga tao, at nang sumunod na araw nang makapaglinis na siyang kasama nila (MH)ay pumasok sa templo, na isinasaysay ang katuparan ng mga araw ng paglilinis, hanggang sa ihain ang (MI)haing patungkol sa bawa't isa sa kanila.
27 At nang halos tapos na (MJ)ang pitong araw, (MK)ang mga Judiong taga Asia, nang siya'y makita nila sa templo, ay kanilang ginulo ang buong karamihan at (ML)siya'y kanilang dinakip,
28 Na nangagsisigawan, Mga lalaking taga Israel, magsitulong kayo: Ito ang tao na nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa bayan, at (MM)sa kautusan, at sa dakong ito; at bukod pa sa rito'y nagdala rin siya ng mga Griego sa templo, at (MN)dinungisan itong dakong banal.
29 Sapagka't nakita muna nila na kasama niya sa bayan si (MO)Trofimo taga Efeso, na sinapantaha nilang ipinasok ni Pablo sa templo.
30 At ang buong bayan ay napakilos, at ang mga tao'y samasamang nagsipanakbuhan; at (MP)kanilang sinunggaban si Pablo, at siya'y kinaladkad na inilabas sa templo: at pagdaka'y inilapat ang mga pinto.
31 At samantalang pinagpipilitan nilang siya'y patayin, ay dumating ang balita sa pangulong kapitan ng pulutong, na ang buong Jerusalem ay nasa kaguluhan.
32 At pagdaka'y (MQ)kumuha siya ng mga kawal at mga senturion, at sumagasa sa kanila: at sila, nang kanilang makita ang pangulong kapitan at ang mga kawal ay nagsitigil ng paghampas kay Pablo.
33 Nang magkagayo'y lumapit ang pangulong kapitan, at tinangnan siya, at (MR)siya'y ipinagapos ng (MS)dalawang tanikala; at itinanong kung sino siya, at kung ano ang ginawa niya.
34 At iba'y sumisigaw ng isang bagay, ang iba'y iba naman, sa gitna ng karamihan: at nang hindi niya maunawa ang katotohanan dahil sa kaguluhan, ay ipinadala siya sa (MT)kuta.
35 At nang siya'y dumating sa hagdanan ay nangyari na siya'y binuhat ng mga kawal dahil sa pagagaw ng karamihan;
36 Sapagka't siya'y sinusundan ng karamihan ng mga tao, na nangagsisigawan, (MU)Alisin siya.
37 At nang ipapasok na si Pablo sa kuta, ay kaniyang sinabi sa pangulong kapitan, Mangyayari bagang magsabi ako sa iyo ng anoman? At sinabi niya, Marunong ka baga ng Griego?
38 Hindi nga baga ikaw (MV)yaong Egipcio, na nang mga nakaraang araw ay nanghihikayat sa kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong katao na mga Mamamatay-tao?
39 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Ako'y Judio, na (MW)taga Tarso sa Cilicia, isang mamamayan ng bayang hindi kakaunti ang kahalagahan: at ipinamamanhik ko sa iyo, na ipahintulot mo sa aking magsalita sa bayan.
40 At nang siya'y mapahintulutan na niya, si Pablo, na nakatayo sa hagdanan, inihudyat ang kamay sa bayan; at nang tumahimik nang totoo, siya'y nagsalita sa kanila (MX)sa wikang Hebreo, na sinasabi,
22 (MY)Mga kapatid na lalake at mga magulang, pakinggan ninyo ang pagsasanggalang na gagawin ko ngayon sa harapan ninyo.
2 At nang marinig nilang sila'y kinakausap niya (MZ)sa wikang Hebreo, ay lalo pang tumahimik sila: at sinabi niya,
3 Ako'y (NA)Judio, na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa't pinapagaral sa bayang ito, sa paanan ni (NB)Gamaliel, na tinuruan alinsunod sa mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang, palibhasa'y masikap tungkol sa Dios, na gaya ninyong lahat ngayon:
4 At (NC)aking pinagusig ang Daang (ND)ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae.
5 Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin, at ang buong kapulungan ng matatanda: (NE)na sa kanila nama'y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid, at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan.
6 At (NF)nangyari, na, samantalang ako'y naglalakbay, at nalalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling tapat, biglang nagliwanag mula sa langit ang isang malaking ilaw sa palibot ko.
7 At ako'y nasubasob sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?
8 At ako'y sumagot, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya sa akin, Ako'y si Jesus na taga Nazaret, na iyong pinaguusig.
9 At sa katotohana'y nakita ng mga kasamahan ko ang ilaw, (NG)datapuwa't hindi nila narinig ang tinig na nagsalita sa akin.
10 At sinabi ko, Ano ang gagawin ko, Panginoon? At sinabi sa akin ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon ka sa Damasco; at doo'y sasabihin sa iyo ang lahat ng mga bagay na itinalagang gagawin mo.
11 At nang hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng ilaw na yaon, palibhasa'y inakay ako sa kamay ng mga kasamahan ko, ay pumasok ako sa Damasco.
12 At (NH)isang Ananias, lalaking masipag sa kabanalan ayon sa kautusan, na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Judiong nagsisitahan doon,
13 (NI)Ay lumapit sa akin, at natatayo sa tabi ko ay nagsabi sa akin, Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin. At nang oras ding yao'y tumingin ako sa kaniya.
14 At sinabi niya, Ang Dios ng ating mga magulang ay (NJ)itinalaga ka upang mapagkilala mo ang kaniyang kalooban, at makita mo (NK)ang Banal, at marinig mo ang isang tinig mula sa kaniyang bibig.
15 Sapagka't magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa (NL)mga bagay na iyong nakita at narinig.
16 At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at (NM)ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan.
17 At nangyari, na, nang ako'y (NN)makabalik na sa Jerusalem, at nang ako'y nananalangin sa templo ay (NO)nawalan ako ng diwa,
18 At siya'y nakita ko na nagsasabi sa akin, Magmadali ka, at umalis ka agad sa Jerusalem; sapagka't hindi nila tatanggapin sa iyo ang patotoo tungkol sa akin.
19 At aking sinabi, Panginoon, napagtatalastas nila na ako ang nagbilanggo at humampas sa bawa't sinagoga sa mga nagsisisampalataya sa iyo:
20 At nang ibubo ang dugo ni Estebang iyong saksi, ay ako nama'y nakatayo sa malapit, at (NP)sinasangayunan ko, at (NQ)iningatan ko ang mga damit ng sa kaniya'y nagsipatay.
21 At sinabi niya sa akin, Yumaon ka: (NR)sapagka't susuguin kita sa malayo sa mga Gentil.
22 At kanilang pinakinggan siya hanggang sa salitang ito; at sila'y nangagtaas ng kanilang tinig, at nangagsabi, (NS)Alisin sa lupa ang isang gayong tao: sapagka't hindi marapat (NT)na siya'y mabuhay.
23 At samantalang sila'y nangagsisigawan, at ipinaghahagisan ang kanilang mga damit, at nangagsasabog ng alabok sa hangin,
24 Ay ipinagutos ng pangulong kapitan na siya'y ipasok (NU)sa kuta, na ipinaguutos na siya'y sulitin sa pamamagitan ng hampas, upang maalaman niya kung sa anong kadahilanan sila'y nangagsigawan ng gayon laban sa kaniya.
25 At nang siya'y kanilang magapos na ng mga panaling katad, ay sinabi ni Pablo sa senturiong nakatayo sa malapit, (NV)Matuwid baga sa iyo na hampasin ang isang taong taga Roma, na hindi pa nahahatulan?
26 At nang ito'y marinig ng senturion, ay naparoon siya sa pangulong kapitan at sa kaniya'y ipinagbigay-alam, na sinasabi, Ano baga ang gagawin mo? sapagka't ang taong ito ay taga Roma.
27 At lumapit ang pangulong kapitan at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa akin, ikaw baga'y taga Roma? At sinabi niya, Oo.
28 At sumagot ang pangulong kapitan, Binili ko ng totoong mahal ang pagkamamamayang ito. At sinabi ni Pablo, Nguni't ako'y katutubong taga Roma.
29 Pagkaraka nga'y nagsilayo sa kaniya ang mga sa kaniya sana'y susulit: at ang pangulong kapitan din naman ay (NW)natakot nang maalamang siya'y taga Roma, at dahil sa pagkagapos niya sa kaniya.
30 Datapuwa't nang kinabukasan, sa pagkaibig na matanto ang katunayan kung bakit siya'y isinakdal ng mga Judio, ay kaniyang pinawalan siya, at (NX)pinapagpulong ang mga pangulong saserdote at ang buong Sanedrin, at ipinapanaog si Pablo at iniharap sa kanila.
23 At si Pablo, na tumititig na mabuti sa (NY)Sanedrin, ay nagsabi, Mga kapatid na lalake, ako'y nabuhay sa harapan ng Dios sa buong kabutihan ng budhi (NZ)hanggang sa mga araw na ito.
2 At ipinagutos ng dakilang saserdoteng si (OA)Ananias sa mga nalalapit sa kaniya na siya'y saktan sa bibig.
3 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pablo, sasaktan ka ng Dios, (OB)ikaw na pinaputing pader: at nakaupo ka baga upang ako'y hatulan mo ayon sa kautusan, at ako'y sinasaktan mo ng (OC)laban sa kautusan?
4 At sinabi (OD)ng nangakatayo sa malapit, Nilalait mo ang dakilang saserdote ng Dios?
5 At sinabi ni Pablo, Hindi ko nalalaman, mga kapatid na lalake, na siya'y dakilang saserdote: sapagka't nasusulat, Huwag kang magsasalita ng masama (OE)sa isang pinuno ng iyong bayan.
6 Datapuwa't nang matalastas ni Pablo na ang isang bahagi ay mga (OF)Saduceo at ang iba'y mga Fariseo, ay sumigaw siya sa Sanedrin, Mga kapatid na lalake, (OG)ako'y Fariseo, anak ng mga Fariseo: ako'y sinisiyasat (OH)tungkol sa pagasa at pagkabuhay na maguli ng mga patay.
7 At nang masabi na niya ang gayon, nangyari ang isang pagtatalo sa mga Fariseo at sa mga Saduceo; at nagkabahabahagi ang kapulungan.
8 Sapagka't (OI)sinasabi ng mga Saduceo na walang pagkabuhay na maguli, ni anghel, ni espiritu; datapuwa't kapuwa pinaniniwalaan ng mga Fariseo.
9 At nagkaroon ng malaking sigawan, at nagsitindig ang ilan sa mga eskriba na kakampi ng mga Fariseo, at nakikipagtalo, na nagsipagsabi, Wala kaming masumpungang anomang kasalanan sa taong ito: at ano kung siya'y kinausap man ng isang espiritu, o ng isang anghel?
10 At nang magkaroon ng malaking pagtatalo, sa takot ng pangulong kapitan na baka pagwaraywarayin nila si Pablo, ay pinapanaog ang mga kawal at ipinaagaw siya sa gitna nila, at siya'y ipinasok sa kuta.
11 At nang sumunod na gabi ay lumapit sa kaniya ang Panginoon, at sinabi, Laksan mo ang iyong loob: sapagka't kung paano ang pagkapatotoo mo tungkol sa akin sa Jerusalem, ay kailangang patotohanan mo rin gayon (OJ)sa Roma.
12 At nang araw na, ay nangagkatipon ang mga Judio, at sila'y nangagpanata sa ilalim ng sumpa, na nagsisipagsabi na hindi sila kakain ni iinom man hanggang sa kanilang mapatay si Pablo.
13 At mahigit sa apat na pu ang mga nagsipanumpa ng ganito.
14 At sila'y nagsiparoon sa mga pangulong saserdote at sa mga matanda, at nangagsabi, Kami ay nangagpanata sa ilalim ng mahigpit na sumpa, na hindi titikim ng anoman hanggang sa mapatay namin si Pablo.
15 Ngayon nga kayo pati ng Sanedrin ay mangagpahiwatig sa pangulong kapitan na siya'y ipapanaog niya sa inyo, na waring ibig ninyong mahatulan ng lalong ganap ang sakdal tungkol sa kaniya: at kami, bago siya dumating ay nangahanda upang siya'y patayin.
16 Datapuwa't ang anak na lalake ng kapatid na babae ni Pablo ay narinig ang tungkol sa kanilang pagbabakay, at siya'y naparoon at pumasok sa kuta at isinaysay kay Pablo.
17 At tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion, at sinabi, Dalhin mo ang binatang ito sa pangulong kapitan; sapagka't siya'y may isang bagay na sasabihin sa kaniya.
18 Kaya't siya'y kinuha, at dinala siya sa pangulong kapitan, at sinabi, Tinawag ako ng bilanggong si Pablo, at ipinamanhik sa aking dalhin ko sa iyo ang binatang ito, na may isang bagay na sasabihin sa iyo.
19 At tinangnan siya ng pangulong kapitan sa kamay, at pagtabi ay lihim na tinanong siya, Ano yaong sasabihin mo sa akin?
20 At sinabi niya, Pinagkasunduan ng mga Judio na sa iyo'y ipamanhik na iyong ipapanaog bukas si Pablo sa (OK)Sanedrin, na waring ikaw ay may sisiyasating lalong ganap tungkol sa kaniya.
21 Huwag ka ngang palamuyot sa kanila: sapagka't binabakayan siya ng mahigit na apat na pung katao sa kanila, na nangagsipagpanata (OL)sa ilalim ng sumpa, na hindi kakain ni iinom man hanggang sa siya'y kanilang mapatay: at ngayo'y nangahahanda sila, na nangaghihintay ng pangako mo.
22 Kaya't pinaalis ng pangulong kapitan ang binata, na ipinagbilin sa kaniya, Huwag mong sasabihin sa kanino man na ipinahiwatig mo sa akin ang mga bagay na ito.
23 At kaniyang tinawag ang dalawa sa mga senturion, at sinabi, Ihanda ninyo ang dalawang daang kawal upang magsiparoon hanggang sa (OM)Cesarea, at pitong pung kabayuhan, at dalawang daang sibatan, sa ikatlong oras ng gabi:
24 At pinapaghanda niya sila ng mga hayop, upang mapagsakyan kay Pablo, at siya'y maihatid na walang panganib kay Felix na gobernador.
25 At siya'y sumulat ng isang sulat, na ganito:
26 Si Claudio Lisias sa kagalanggalang na gobernador Felix, (ON)bumabati.
27 Ang taong ito'y hinuli ng mga Judio, at papatayin na lamang sana nila, nang dumalo akong (OO)may kasamang mga kawal at siya'y iniligtas ko, (OP)nang mapagtantong siya'y isang taga Roma.
28 At sa pagkaibig kong mapagunawa ang dahilan kung bakit siya'y kanilang isinakdal, ay ipinanaog ko siya sa kanilang Sanedrin:
29 Na nasumpungan ko na siya'y kanilang isinasakdal (OQ)sa mga suliranin tungkol sa kanilang kautusan, datapuwa't (OR)walang anomang sakdal laban sa kaniya na marapat sa kamatayan o sa tanikala.
30 At (OS)nang ipakilala sa akin na may banta laban sa taong iyan, ay ipinadala ko siya agad sa iyo, na aking ipinagbilin din sa mga sa kaniya'y nangagsasakdal na mangagsalita sa harapan mo laban sa kaniya.
31 Kaya't ang mga kawal, alinsunod sa iniutos sa kanila, ay kinuha si Pablo at dinala siya sa gabi sa Antipatris.
32 Datapuwa't nang kinabukasan ay pinabayaan nilang samahan siya ng mga kabayuhan, at nangagbalik sa kuta:
33 At sila, nang sila'y magsidating sa Cesarea at maibigay ang sulat sa gobernador, ay iniharap din si Pablo sa harapan niya.
34 At nang mabasa niya ito, ay itinanong niya kung taga saang (OT)lalawigan siya; at nang maalamang siya'y taga (OU)Cilicia,
35 Pakikinggan kitang lubos, ang sabi niya, pagdating naman ng mga nagsisipagsakdal sa iyo: at ipinagutos na siya'y ingatan sa palasio ni Herodes.
24 At pagkaraan ng limang araw ay lumusong ang pangulong saserdoteng si (OV)Ananias na kasama ang ilang matatanda, at ang isang Tertulo na mananalumpati; at sila'y nangagbigay-alam sa gobernador laban kay Pablo.
2 At nang siya'y tawagin, si Tertulo ay nagpasimulang isakdal siya, na sinasabi,
Yamang dahil sa iyo'y nangagtatamo kami ng malaking kapayapaan, at sa iyong kalinga ay napawi sa bansang ito ang mga kasamaan,
3 Ay tinatanggap namin ito sa lahat ng mga paraan at sa lahat ng mga dako, kagalanggalang na Felix, ng buong pagpapasalamat.
4 Datapuwa't, nang huwag akong makabagabag pa sa iyo, ay ipinamamanhik ko sa iyo na pakinggan mo kami sa iyong kagandahang loob sa ilang mga salita.
5 Sapagka't nangasumpungan namin (OW)ang taong ito'y isang taong mapangulo at mapagbangon ng mga paghihimagsik sa gitna ng lahat ng mga Judio sa buong sanglibutan, at namiminuno sa sekta ng mga Nazareno:
6 Na kaniya (OX)rin namang pinagsisikapang lapastanganin ang templo: na siya ring dahil ng aming inihuli:[b](OY)(OZ)
8 Na mapagtatalastas mo, sa iyong pagsisiyasat sa kaniya, ang lahat ng mga bagay na ito na laban sa kaniya'y isinasakdal namin.
9 At nakianib naman ang mga Judio sa pagsasakdal, na pinatutunayan na ang mga bagay na ito'y gayon nga.
10 At nang siya'y mahudyatan ng gobernador upang magsalita, si Pablo ay sumagot,
Yamang nalalaman ko na ikaw ay hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, ay masiglang gagawin ko ang aking pagsasanggalang:
11 Sapagka't napagtatalastas mo na (PA)wala pang labingdalawang araw buhat nang ako'y umahon sa Jerusalem upang sumamba:
12 At ni hindi nila ako nasumpungan sa (PB)templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya'y nanggugulo sa karamihan, ni sa mga sinagoga, ni sa bayan.
13 Ni hindi rin mapatutunayan nila sa iyo ang mga bagay na ngayo'y kanilang isinasakdal laban sa akin.
14 Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;
15 Na may pagasa sa Dios, na siya rin namang hinihintay nila, na magkakaroon (PC)ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap.
16 Na dahil nga rito'y lagi rin (PD)akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao.
17 At nang makaraan nga (PE)ang ilang mga taon ay (PF)naparito ako upang magdala ng mga limos sa aking bansa, at ng mga hain:
18 Na ganito nila ako nasumpungang (PG)pinalinis sa templo, na walang kasamang karamihan, ni wala ring kaguluhan: datapuwa't mayroon doong ilang mga Judiong galing sa Asia—
19 Na dapat magsiparito sa harapan mo, at mangagsakdal, kung may anomang laban sa akin.
20 O kaya'y ang mga tao ring ito ang mangagsabi kung anong masamang gawa ang nasumpungan nila (PH)nang ako'y nakatayo sa harapan ng Sanedrin,
21 Maliban na sa isang tinig na ito na (PI)aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila, Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako'y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito.
22 Datapuwa't si Felix, na may lalong ganap nang pagkatalastas tungkol (PJ)sa Daan, ay ipinagpaliban sila, na sinasabi, Paglusong ni (PK)Lisias na pangulong kapitan, ay pasisiyahan ko ang inyong usap.
23 At iniutos niya sa senturion na siya'y tanuran at siya'y pagbigyang-loob; at (PL)huwag ipagbawal sa kanino mang mga kaibigan niya na siya'y paglingkuran.
24 Datapuwa't nang makaraan ang ilang mga araw, si Felix ay dumating na kasama si Drusila, na kaniyang asawa, na isang Judia, at ipinatawag si Pablo, at siya'y pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
25 At samantalang siya'y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran, at sa sariling pagpipigil, at sa paghuhukom na darating, ay nangilabot si Felix, at sumagot, Ngayo'y humayo ka; at (PM)pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita.
26 Kaniyang inaasahan din naman na siya'y bibigyan ni Pablo ng (PN)salapi: kaya naman lalong madalas na ipinatatawag siya, at sa kaniya'y nakikipagusap.
27 Datapuwa't nang maganap ang dalawang taon, si Felix ay hinalinhan ni Porcio Festo; at sa pagkaibig ni Felix (PO)na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay pinabayaan sa mga tanikala si Pablo.
25 Nang makapasok na nga si Festo sa (PP)lalawigan, pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea.
2 At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay (PQ)nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo; at siya'y kanilang pinamanhikan,
3 Na humihingi ng lingap laban sa kaniya, na siya'y ipahatid sa Jerusalem; (PR)na binabakayan upang siya'y mapatay sa daan.
4 Gayon ma'y sumagot si Festo, na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea, at siya'y paroroon sa lalong madaling panahon.
5 Kaya nga, sinabi niya, ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin, at kung may anomang pagkakasala ang taong ito, ay isakdal siya nila.
6 At nang siya'y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw, ay lumusong siya sa Cesarea: at nang kinabukasa'y lumuklok siya sa hukuman, at ipinaharap sa kaniya si Pablo.
7 At nang siya'y dumating, ay niligid siya ng mga Judio (PS)na nagsilusong na galing sa Jerusalem, (PT)na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya, na pawang hindi nila mapatunayan;
8 Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang, (PU)Laban man sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar, ay hindi ako nagkakasala ng anoman.
9 Datapuwa't si Festo, (PV)sa pagkaibig na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay sumagot kay Pablo, at nagsabi, (PW)Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem, at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko?
10 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar, na doon ako dapat hatulan: wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio, gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti.
11 Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako (PX)kay Cesar.
12 Nang magkagayon si Festo, nang makapagpanayam na sa Sanedrin, ay sumagot, Naghabol ka kay Cesar; kay Cesar ka paparoon.
13 Nang makaraan nga ang ilang mga araw, si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea, at nagsibati kay Festo.
14 At nang sila'y magsitira roong maraming araw, ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo, na sinasabi, (PY)May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix:
15 (PZ)Tungkol sa kaniya nang ako'y nasa Jerusalem, ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin, na hinihinging ako'y humatol laban sa kaniya.
16 Sa kanila'y aking isinagot, na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao, hanggang hindi nahaharap (QA)ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal, at siya'y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya.
17 Nang sila nga'y mangagkatipon dito, ay hindi ako nagpaliban, kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman, at ipinaharap ko ang tao.
18 Tungkol sa kaniya, nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal, ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha;
19 Kundi (QB)may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling (QC)relihion, at sa isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay.
20 At ako, palibhasa'y naguguluhan tungkol sa kung paano kayang mapagsisiyasat ang mga bagay na ito, ay itinanong ko kung ibig niyang pumaroon sa Jerusalem at doon siya hatulan tungkol sa mga bagay na ito.
21 Datapuwa't nang makapaghabol na si Pablo na siya'y ingatan upang hatulan ng emperador, ay ipinagutos kong ingatan siya hanggang sa siya'y maipadala ko kay Cesar.
22 At sinabi ni Agripa kay Festo, Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao. Bukas, sinasabi niya, siya'y mapapakinggan mo.
23 Kaya't nang kinabukasan, nang dumating si Agripa, at si Bernice, na may malaking karilagan, at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan, sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo.
24 At sinabi ni Festo, Haring Agripa, at lahat ng mga lalaking nangariritong kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito, na tungkol sa kaniya'y nagsasakdal sa akin sa Jerusalem at dito naman ang buong karamihan ng mga Judio, na nangagsisigawang (QD)hindi marapat na siya'y mabuhay pa.
25 Datapuwa't aking nasumpungang siya'y (QE)walang anomang ginawang marapat sa kamatayan: at sapagka't (QF)siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya'y ipadala.
26 Tungkol sa kaniya'y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon. Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo, at lalong-lalo na sa harapan mo, haring Agripa, upang, pagkatapos ng pagsisiyasat, ay magkaroon ng sukat na maisulat.
27 Sapagka't inaakala kong di katuwiran, na sa pagpapadala ng isang bilanggo, ay hindi magpahiwatig naman ng mga sakdal laban sa kaniya.
26 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Ipinahihintulot sa iyong magsaysay ka sa ganang iyo. Nang magkagayo'y iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay, at ginawa ang kaniyang pagsasanggalang:
2 Ikinaliligaya kong lubha, haring Agripa, na sa harapan mo'y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal ng mga Judio laban sa akin.
3 Lalong-lalo na sapagka't bihasa ka sa lahat ng mga (QG)kaugalian at mga suliranin na mayroon ang mga Judio: kaya nga ipinamamanhik ko sa iyo na pagdalitaan mong dinggin ako.
4 Ang akin ngang pamumuhay mula sa aking pagkabata, na nang una'y inugali ko sa gitna ng aking bansa at sa Jerusalem, ay nalalaman ng lahat ng mga Judio;
5 Na napagtatalastas nila mula pa nang una, kung ibig nilang magsisaksi, na alinsunod sa (QH)lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo.
6 At ngayo'y nakatayo ako upang hatulan (QI)dahil sa pagasa sa (QJ)pangakong ginawa ng Dios sa aming mga magulang;
7 Dahil sa pangakong ito'y ang aming labingdalawang angkan ay buong pusong nagsisipaglingkod sa Dios gabi't araw, na inaasahang kakamtin. At tungkol sa pagasang ito ako'y isinasakdal ng mga Judio, Oh hari!
8 Bakit inaakala ninyong ito'y hindi mapaniniwalaan, kung binubuhay ng Dios ang mga patay?
9 (QK)Tunay na ako ma'y nagisip na dapat akong gumawa ng maraming mga bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret.
10 At ginawa ko (QL)rin ito sa Jerusalem: at kinulong ko sa mga bilangguan (QM)ang marami sa mga banal, (QN)pagkatanggap ko ng kapamahalaan sa mga pangulong saserdote, at (QO)nang sila'y ipinapapatay, ay ibinibigay ko ang aking pagsangayon laban sa kanila.
11 At madalas sa pagpaparusa ko sa kanila sa lahat ng mga sinagoga, ay pinipilit ko silang magsipamusong; at (QP)sa totoong pagkagalit ko sa kanila, ay sila'y pinaguusig ko hanggang sa mga bayan ng ibang lupain.
12 Hinggil dito (QQ)sa paglalakbay kong patungo sa Damasco na taglay ang kapamahalaan at bilin ng mga pangulong saserdote,
13 Nang katanghalian, Oh hari, ay nakita ko sa daan ang isang ilaw na mula sa langit, na lalong maningning kay sa araw, at lumiwanag sa palibot ko at sa mga nagsisipaglakbay na kasama ko.
14 At nang mangapasubasob sa lupa kaming lahat, ay narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis.
15 At sinabi ko, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi ng Panginoon, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig.
16 Datapuwa't magbangon ka, at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa: sapagka't dahil dito'y napakita ako sa iyo, upang ihalal kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo;
17 Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, (QR)na sa kanila'y sinusugo kita,
18 Upang (QS)idilat mo ang kanilang mga mata, (QT)upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng (QU)kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga (QV)mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.
19 Dahil nga dito, Oh haring Agripa, hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan:
20 Kundi (QW)nangaral akong unauna sa mga taga Damasco, at sa (QX)Jerusalem din naman, at (QY)sa buong lupain ng Judea, at gayon din (QZ)sa mga Gentil, na sila'y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios, na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi.
21 Dahil dito'y hinuli ako ng mga Judio sa templo, at pinagsisikapang ako'y patayin.
22 Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios, ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki, na wala akong sinasabing anoman kundi (RA)ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari;
23 Kung paano na ang Cristo ay (RB)kailangang maghirap, at kung paano na siya (RC)muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay (RD)ay magtatanyag ng ilaw sa bayan, at gayon din sa mga Gentil.
24 At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig, Pablo, (RE)ikaw ay ulol; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol.
25 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan.
26 Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok.
27 Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala ka.
28 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging (RF)Cristiano.
29 At sinabi ni Pablo, Loobin nawa ng Dios, na sa kakaunti o sa marami man, ay hindi lamang ikaw, kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon, ay pawang maging katulad ko naman, tangi lamang (RG)sa mga tanikalang ito.
30 At nagtindig ang hari, at ang gobernador, at si (RH)Bernice, at ang mga nagsiupong kasama nila:
31 At nang sila'y makahiwalay, ay nangagsalitaan sila sa isa't isa, na nagsisipagsabi, Ang taong ito ay (RI)walang anomang ginagawa na marapat sa kamatayan o sa mga tanikala.
32 At sinabi ni Agripa kay Festo, (RJ)mapalalaya sana ang taong ito, (RK)kung hindi naghabol kay Cesar.
27 At nang ipasiya na kami ay lalayag na patungo sa Italia, ay ibinigay nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, sa pulutong ni Augusto.
2 At sa paglulan namin sa isang daong Adrameto, na palayag sa mga dakong nasa baybayin ng Asia, ay nagsitulak kami, na kasama namin si (RL)Aristarco na isang taga Macedonia mula sa (RM)Tesalonica.
3 At nang sumunod na araw ay nagsidaong kami sa Sidon: at (RN)pinagpakitaan ni Julio ng magandang-loob si Pablo, at pinahintulutan siyang pumaroon sa kaniyang mga kaibigan, at siya'y magpakaginhawa.
4 At nang kami'y magsitulak buhat doon, ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Chipre, sapagka't pasalunga ang hangin.
5 At nang matawid na namin ang dagat na nasa tapat ng Cilicia at Pamfilia, ay nagsirating kami sa Mira, na isang bayan ng Licia.
6 At nasumpungan doon ng senturion (RO)ang isang daong Alejandria na lumalayag na patungo sa Italia; at inilulan niya kami roon.
7 At nang makapaglayag na kaming marahan nang maraming mga araw, at may kahirapan kaming nakarating sa tapat ng Gnido, na hindi kami tinulutan ng hanging makasulong pa, ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Creta, sa tapat ng Salmon;
8 At sa pamamaybay namin dito na may kahirapan ay nagsidating kami sa isang dako na tinatawag na Mabubuting Daongan; na malapit doon ang bayan ng Lasea.
Footnotes
- Mga Gawa 15:33 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 34 Datapuwa't minagaling ni Silas ang matira roon.
- Mga Gawa 24:6 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ito: at ibig naming hatulan sana siya alinsunod sa aming kautusan. 7 Datapuwa't dumating ang pangulong pinunong si Lysias at sapilitang inagaw siya sa aming mga kamay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978