Font Size
Mga Gawa 16:9-12
Ang Biblia (1978)
Mga Gawa 16:9-12
Ang Biblia (1978)
9 At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo: May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo, na namamanhik sa kaniya, at sinasabi, Tumawid ka sa Macedonia, at tulungan mo kami.
10 At pagkakita niya sa pangitain, pagdaka'y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia, na pinatutunayang kami'y tinawag ng Dios upang sa kanila'y ipangaral ang evangelio.
11 Pagtulak nga sa Troas, ay pinunta namin ang Samotracia, at nang kinabukasa'y ang Neapolis;
12 At mula doo'y (A)ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang (B)una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978