Add parallel Print Page Options

Ang Pagbabalik sa Antioquia

18 Ngunit(A) si Pablo ay nanatili pa ng ilang araw, pagkatapos ay nagpaalam na sa mga kapatid, at buhat doo'y naglakbay patungo sa Siria, at kasama niya sina Priscila at Aquila. Inahit niya ang kanyang buhok sa Cencrea, sapagkat siya'y may panata.

19 Pagdating nila sa Efeso sila'y iniwan niya roon; ngunit pumasok muna siya sa sinagoga at nakipagtalo sa mga Judio.

20 Nang siya'y pinakiusapan nila na tumigil pa roon ng mas mahabang panahon, ay hindi siya pumayag,

21 kundi nang siya'y nagpaalam sa kanila, ay sinabi, “Babalik uli ako sa inyo kung loloobin ng Diyos.” At siya'y naglakbay buhat sa Efeso.

22 Nang dumaong na siya sa Cesarea, siya'y pumunta[a] sa Jerusalem at bumati sa iglesya, at pagkatapos ay nagtungo sa Antioquia.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 18:22 Sa Griyego ay umahon .