Add parallel Print Page Options

21 Maliban na sa isang tinig na ito na (A)aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila, Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako'y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito.

22 Datapuwa't si Felix, na may lalong ganap nang pagkatalastas tungkol (B)sa Daan, ay ipinagpaliban sila, na sinasabi, Paglusong ni (C)Lisias na pangulong kapitan, ay pasisiyahan ko ang inyong usap.

23 At iniutos niya sa senturion na siya'y tanuran at siya'y pagbigyang-loob; at (D)huwag ipagbawal sa kanino mang mga kaibigan niya na siya'y paglingkuran.

24 Datapuwa't nang makaraan ang ilang mga araw, si Felix ay dumating na kasama si Drusila, na kaniyang asawa, na isang Judia, at ipinatawag si Pablo, at siya'y pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.

25 At samantalang siya'y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran, at sa sariling pagpipigil, at sa paghuhukom na darating, ay nangilabot si Felix, at sumagot, Ngayo'y humayo ka; at (E)pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita.

26 Kaniyang inaasahan din naman na siya'y bibigyan ni Pablo ng (F)salapi: kaya naman lalong madalas na ipinatatawag siya, at sa kaniya'y nakikipagusap.

Read full chapter