Gawa 3:6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Pero sinabi ni Pedro sa kanya, “Wala akong pera.[a] Ngunit may ibibigay ako sa iyo: Sa pangalan[b] ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka!”
Read full chapter
Gawa 3:12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
12 Pagkakita ni Pedro sa mga tao, sinabi niya sa kanila, “Mga kababayan kong mga Israelita, bakit kayo namangha sa pangyayaring ito? Bakit ninyo kami tinititigan? Akala ba ninyoʼy napalakad namin ang taong ito dahil sa aming kapangyarihan at kabanalan?
Read full chapter
Gawa 3:13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
13 Hindi! Ang Dios ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob ang siyang gumawa nito upang parangalan niya ang kanyang lingkod na si Jesus. Ang Jesus na ito ang siyang ibinigay ninyo sa mga may kapangyarihan at itinakwil ninyo sa harapan ni Pilato, kahit napagpasyahan na niyang pakawalan siya.
Read full chapter
Gawa 3:16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Ang pananampalataya kay Jesus[a] ang siyang nagpalakas sa taong ito na inyong namukhaan at nakikita ngayon. Kayo man ay mga saksi na gumaling siya. Nangyari ito dahil sa pananampalataya kay Jesus.
Read full chapterFootnotes
- 3:16 kay Jesus: sa literal, sa pangalan ni Jesus.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®