Gawa 9:15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
15 Pero sinabi ng Panginoon kay Ananias, “Lumakad ka, dahil pinili ko siyang maglingkod sa akin, para ipakilala niya ako sa mga hindi Judio at sa kanilang mga hari, at sa mga Israelita.
Read full chapter
Gawa 9:17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
17 Kaya pinuntahan ni Ananias si Saulo sa bahay na tinutuluyan nito, at pagpasok niya roon ay ipinatong niya ang kanyang kamay kay Saulo. At sinabi niya, “Saulo, kapatid ko sa Panginoon, pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus. Siya ang nagpakita sa iyo sa daan nang papunta ka rito. Inutusan niya ako rito para muli kang makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.”
Read full chapter
Gawa 22:10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 At nagtanong pa ako, ‘Ano ang gagawin ko, Panginoon?’ At sinabi niya sa akin, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damascus, at sasabihin sa iyo roon ang lahat ng iyong gagawin.’
Read full chapter
Gawa 22:14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
14 Sinabi niya sa akin, ‘Pinili ka ng Dios ng ating mga ninuno para malaman mo ang kalooban niya at para makita mo at marinig ang boses ng Matuwid na si Jesus.
Read full chapter
Gawa 22:15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
15 Sapagkat ipapahayag mo sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®