Add parallel Print Page Options

12 Kaya susunugin ko ang Teman at ang matitibay na bahagi ng Bozra.”[a]

Ang Parusa sa Bansang Ammon

13 Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Ammon: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Ammon, parurusahan ko sila. Sapagkat nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead nang salakayin nila ito, upang mapalawak ang kanilang lupain. 14 Kaya susunugin ko ang mga pader ng Rabba[b] at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito habang nagsisigawan ang mga kaaway na sumasalakay sa kanila, na parang umuugong na bagyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:12 Teman … Bozra: Itoʼy mga lugar na sakop ng Edom.
  2. 1:14 Rabba: Ito ang kabisera ng Ammon.