Add parallel Print Page Options

Ganito ang sabi ng Panginoon: (A)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (B)Damasco, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (C)sapagka't kanilang giniik ang Galaad ng panggiik na bakal.

Nguni't aking susuguin ang isang apoy sa loob ng bahay ni Hazael, at susupukin niyaon ang mga palacio ni (D)Ben-hadad.

At aking iwawasak ang (E)halang ng Damasco, at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven, at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir, sabi ng Panginoon.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang (F)ng Gaza, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (G)sapagka't kanilang dinalang bihag ang buong bayan, (H)upang ibigay sa Edom.

Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon:

At aking ihihiwalay ang mananahan mula sa Asdod, at siyang humahawak ng cetro mula sa Ascalon; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ecron, at (I)ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol, sabi ng Panginoong Dios.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (J)Tiro, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (K)sapagka't kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom, at hindi inalaala ang (L)tipan ng pagkakapatiran.

10 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon.

11 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (M)Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng (N)tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man.

12 Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Teman, at susupukin niyaon ang mga palacio sa Bozra.

13 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (O)mga anak ni Ammon, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kanila; sapagka't (P)kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang tao sa Galaad, upang kanilang mapalapad ang kanilang hangganan.

14 Nguni't aking papagniningasin ang isang apoy sa kuta ng (Q)Rabba, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon, na may hiyawan sa kaarawan ng pagbabaka, na may bagyo sa kaarawan ng ipoipo;

15 At ang kanilang hari ay papasok sa pagkabihag, siya at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama, sabi ng Panginoon.

Hatol sa Moab.

Ganito ang sabi ng Panginoon: (R)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (S)kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog.

Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa Moab, at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth; at ang Moab ay mamamatay na may kaingay, may hiyawan, at may tunog ng pakakak.

At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyaon, at papatayin ko ang lahat na prinsipe niyaon na kasama niya, sabi ng Panginoon.

Ang hatol sa Juda at sa Israel.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Juda, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (T)sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon, at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan, at iniligaw sila ng kanilang mga pagbubulaan, (U)ayon sa inilakad ng kanilang mga magulang.

Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Juda; at susupukin niyaon ang mga palacio ng Jerusalem.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (V)kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak, at (W)ang mapagkailangan sa dalawang paang panyapak—