Add parallel Print Page Options

Ang Parusa sa Bansang Israel

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Israel: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Israel,[a] parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipin ang mga taong walang kasalanan dahil lamang sa kanilang utang. Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap kahit na isang pares lang na sandalyas ang utang. Ginigipit nila ang mga mahihirap at hindi binibigyan ng katarungan. Mayroon sa kanila na mag-amang nakikipagtalik sa iisang babae. Dahil dito nilalapastangan nila ang aking banal na pangalan. Natutulog sila sa kanilang sambahan[b] na suot ang damit na isinangla sa kanila ng mga mahihirap.[c] At nag-iinuman sila sa aking templo ng alak na binili galing sa ibinayad ng mga mahihirap na may utang sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:6 Israel: Noong mahati sa dalawang kaharian ang Israel (1 Hari 2), ang isa ay tinawag na Israel at ang isa ay Juda.
  2. 2:8 sa kanilang sambahan: sa literal, sa tabi ng bawat altar.
  3. 2:8 Ayon sa Exo. 22:26-27 at sa Deu. 24:12-13, ang damit na isinangla ng dukha ay dapat ibalik sa kanya kinagabihan.