Font Size
Amos 3:12-14
Ang Biblia, 2001
Amos 3:12-14
Ang Biblia, 2001
12 Ganito ang sabi ng Panginoon: “Kung paanong inaagaw ng pastol sa bibig ng leon ang dalawang hita, o ang isang piraso ng tainga, gayon ililigtas ang mga anak ni Israel na naninirahan sa Samaria, na may sulok ng hiligan at bahagi ng isang kama.”
13 “Pakinggan ninyo, at magpatotoo kayo laban sa sambahayan ni Jacob,”
sabi ng Panginoong Diyos, ng Diyos ng mga hukbo:
14 “Sa(A) araw na aking parusahan ang Israel dahil sa kanyang pagsuway,
ay aking parurusahan din ang mga dambana ng Bethel,
at ang mga sungay ng dambana ay tatanggalin,
at sila'y malalaglag sa lupa.