Font Size
Amos 4:11-13
Ang Biblia (1978)
Amos 4:11-13
Ang Biblia (1978)
11 Aking ibinuwal ang iba sa inyo, (A)gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng (B)dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
12 Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.
13 Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, (C)at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na (D)nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa—ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978