Add parallel Print Page Options

“Ginutom(A) ko kayo sa bawat lunsod;
    walang tinapay na makain sa bawat bayan,
gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin.
Hindi ko rin pinapatak ang ulan
    na kailangan ng inyong halaman.
Nagpaulan ako sa isang lunsod ngunit sa iba'y hindi.
Dinilig ko ang isang bukirin ngunit ang iba'y hinayaang matuyo.
Kaya't naghanap ang mga tao mula sa dalawa o tatlong lunsod
    ng tubig sa karatig-lunsod ngunit di rin napatid ang kanilang uhaw.
Gayunman, hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.

Read full chapter