Add parallel Print Page Options

Dumulog kayo sa akin, kayong mga lahi ni Jose, at mabubuhay kayo. Dahil kung hindi, lulusubin ko kayo na parang apoy. Kaya malilipol ang Betel at walang makakapigil nito.[a] Nakakaawa kayo! Ang katarungan ay ginagawa ninyong marumi[b] at pinawawalang-halaga ninyo ang katuwiran!”

Ang Dios ang lumikha ng grupo ng mga bituing tinatawag na Pleyades at Orion. Siya ang nagpapalipas ng liwanag sa dilim, at ng araw sa gabi. Tinitipon niya ang tubig mula sa karagatan para pumunta sa mga ulap upang muling ibuhos sa lupa sa pamamagitan ng ulan. Panginoon ang kanyang pangalan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:6 Kaya malilipol … makakapigil nito: sa literal, Kaya masusunog ang Betel at walang makakapatay nito.
  2. 5:7 marumi: sa literal, mapait na tanim.