Add parallel Print Page Options

Ang Panginoong Dios ay sumumpa (A)sa kaniyang sarili, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo: Aking kinayayamutan (B)ang karilagan ng Jacob, at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio; kaya't aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon.

At mangyayari, kung may matirang sangpung tao sa isang bahay, na pawang mangamamatay.

10 At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng (C)sumusunog sa kaniya, upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa (D)pinakaloob ng bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin: Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon.

Read full chapter