Add parallel Print Page Options

Kinamumuhian ng Panginoon ang Pagmamataas ng Israel

Sumumpa ang Panginoong Dios, ang Dios na Makapangyarihan. Sinabi niya, “Kinamumuhian ko ang pagmamataas ng mga lahi ni Jacob, at kinasusuklaman ang matitibay na bahagi ng kanilang lungsod. Kaya ipapasakop ko sa kaaway ang kanilang lungsod at ang lahat ng naroroon.”

Kung may sampung tao na matitira sa isang bahay, lahat sila ay mamamatay. 10 Ang bangkay ng namatay ay kukunin ng kanyang kamag-anak upang sunugin. Tatanungin niya ang nagtatago[a] sa kaloob-looban ng bahay, “May kasama ka pa riyan?”[b] Kapag sumagot siya ng wala, sasabihin ng nagtanong, “Tumahimik ka na! Baka mabanggit mo pa ang pangalan ng Panginoon at maparusahan tayo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:10 nagtatago: o, natira.
  2. 6:10 May kasama ka pa riyan: o, May bangkay pa ba riyan?