Add parallel Print Page Options

Ang Kasalanan ng mga Mayayamang Israelita

Makinig kayo, kayong mga nanggigipit sa mga mahihirap at nagtatangkang lipulin sila. Inip na inip kayong matapos ang Pista ng Pagsisimula ng Buwan[a] o Araw ng Pamamahinga para makapagbenta na kayo ng mga inaning butil at makapandaya sa mga mamimili sa pamamagitan ng inyong madayang timbangan at pantakal ng trigo. Nagmamadali kayong makapagbenta ng mga butil na hinaluan ng ipa, para makabili kayo ng taong dukha na ipinagbibiling alipin dahil hindi siya makabayad ng kanyang utang, kahit ang utang niya ay kasinghalaga lamang ng isang pares ng sandalyas.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:5 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.