Add parallel Print Page Options

11 At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, (A)ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.

12 At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit (B)sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.

13 At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, (C)at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, (D)at nangagbigay ng kaluwalhatian (E)sa Dios ng langit.

Read full chapter