Add parallel Print Page Options

At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang (A)lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan.

Ang mga ito'y (B)may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig (C)na mapaging dugo, at (D)mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain.

At pagka natapos nila ang kanilang (E)patotoo, (F)ang hayop na umahon (G)mula sa kalaliman ay (H)babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.

Read full chapter