Add parallel Print Page Options

12 Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan.
(A)Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.

13 At nang makita ng dragon na siya'y inihagis sa lupa, ay inusig niya (B)ang babaing nanganak ng sanggol na lalake.

14 At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang (C)isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.

Read full chapter