Add parallel Print Page Options

12 Kaya't magalak kayo, O mga langit
    at kayong mga naninirahan diyan!
Kahabag-habag ang lupa at dagat
    sapagkat ang diyablo'y bumaba sa inyo
na may malaking poot,
    palibhasa'y alam niya na maikli na lamang ang kanyang panahon!”

13 Nang makita ng dragon na siya'y itinapon sa lupa, inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalaki.

14 Ngunit(A) ang babae'y binigyan ng dalawang pakpak ng malaking agila upang makalipad siya mula sa harap ng ahas patungo sa ilang hanggang sa kanyang lugar, na pinaalagaan sa kanya ng isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.

Read full chapter