Add parallel Print Page Options

At ang hayop na aking nakita (A)ay katulad ng isang leopardo, (B)at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at (C)ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya (D)ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.

At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong (E)lupa'y nanggilalas sa hayop;

At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?

Read full chapter