Add parallel Print Page Options

At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, (A)Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, (B)na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.

At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, (C)Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay,

10 (D)Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo (E)sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y (F)pahihirapan ng (G)apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero:

Read full chapter