Font Size
Apocalipsis 16:13-15
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 16:13-15
Ang Biblia, 2001
13 At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon at mula sa bibig ng halimaw at mula sa bibig ng bulaang propeta ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka.
14 Sila'y mga espiritu ng mga demonyo na gumagawa ng mga tanda; pumupunta sa mga hari ng buong daigdig, upang tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
15 (“Masdan(A) ninyo, ako'y dumarating na gaya ng magnanakaw. Mapalad ang nananatiling gising at nakadamit,[a] upang siya'y hindi lumakad na hubad at makita ang kanyang kahihiyan.”)
Read full chapterFootnotes
- Apocalipsis 16:15 Sa Griyego ay nag-iingat sa kanyang mga damit .