Add parallel Print Page Options

At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at (A)malapit ng umahon sa (B)kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas (C)na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.

(D)Narito ang pagiisip na may karunungan. (E)Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae:

10 At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon.

Read full chapter