Add parallel Print Page Options

sapagkat(A) ang kanyang mga kasalanan ay nagkapatung-patong na umaabot hanggang sa langit,
    at natatandaan ng Diyos ang kanyang mga kasalanan.
Ibigay(B) din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo,
    at bayaran ninyo ng makalawang ulit ang kanyang mga gawa;
    sa kopang kanyang pinaghaluan ay inyong ipaghalo siya ng makalawang ulit.
Kung(C) gaano siya nagmalaki at namuhay sa kalayawan,
    ay gayundin ang ibigay ninyo sa kanyang pahirap at pagluluksa.
Sapagkat sinasabi niya sa kanyang puso,
    ‘Ako'y nakaupong isang reyna.
Hindi ako balo
    at hindi ko makikita kailanman ang pagluluksa.’

Read full chapter