Apocalipsis 19:18-20
Ang Biblia (1978)
18 Upang kayo'y (A)makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga (B)pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki.
19 At nakita ko (C)ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon (D)upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo.
20 At sinunggaban ang hayop, (E)at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda (F)sa harapan nito, na siyang (G)ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito (H)ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978