Apocalipsis 20:2-4
Ang Biblia (1978)
2 At sinunggaban niya (A)ang dragon, (B)ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
3 At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at (C)tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.
4 At nakakita ako ng mga (D)luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, (E)sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko (F)ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at (G)ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa (H)kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at (I)nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978