Add parallel Print Page Options

At nakakita ako ng mga (A)luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, (B)sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko (C)ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at (D)ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa (E)kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at (F)nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.

Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito (G)ang unang pagkabuhay na maguli.

Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan (H)ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging (I)mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.

Read full chapter