Font Size
Apocalipsis 22:3-5
Ang Biblia (1978)
Apocalipsis 22:3-5
Ang Biblia (1978)
3 At (A)hindi na magkakaroon pa ng sumpa: (B)at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin;
4 At makikita nila ang (C)kaniyang mukha; at ang (D)kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.
5 (E)At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila (F)ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978