Add parallel Print Page Options

(A)At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila (B)ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.

At sinabi niya sa akin, (C)Ang mga salitang ito'y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay (D)nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali.

(E)At narito, ako'y madaling pumaparito. (F)Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito.

Read full chapter