Font Size
Apocalipsis 4:6-8
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 4:6-8
Ang Biblia, 2001
6 at(A) (B) sa harapan ng trono, ay may parang isang dagat na salamin na katulad ng kristal. At sa gitna ng trono, at sa palibot ng trono ay may apat na nilalang na buháy na punô ng mga mata sa harapan at sa likuran.
7 Ang unang nilalang ay tulad ng isang leon, ang ikalawang nilalang ay tulad ng isang baka, ang ikatlong nilalang ay may mukha ng isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay tulad ng isang agilang lumilipad.
8 At(C) ang apat na nilalang na buháy, na may anim na pakpak ang bawat isa sa kanila, ay punô ng mga mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang humpay na nagsasabi araw at gabi,
“Banal, banal, banal,
ang Panginoong Diyos, ang Makapangyarihan sa lahat,
ang noon at ang ngayon at ang darating!”