Add parallel Print Page Options

10 At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, (A)hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?

11 At binigyan (B)ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, (C)na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.

12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, (D)at nagkaroon ng malakas na lindol; at (E)ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;

Read full chapter