Font Size
Apocalipsis 7:15-17
Ang Biblia (1978)
Apocalipsis 7:15-17
Ang Biblia (1978)
15 Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay (A)lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo.
16 Sila'y hindi na magugutom pa, (B)ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:
17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan (C)ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at (D)papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978