Add parallel Print Page Options

At sila'y may mga baluti, na gaya ng baluting bakal; at ang ugong ng kanilang mga pakpak (A)ay gaya ng ugong ng mga karro, at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.

10 At sila'y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan, at mga tibo; at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan.

11 Sila'y may (B)pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon,[a] at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Apocalipsis 9:11 Isang mangwawasak.