Font Size
Awit ng mga Awit 1:4-6
Ang Biblia (1978)
Awit ng mga Awit 1:4-6
Ang Biblia (1978)
4 Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo:
(A)Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid:
Kami ay matutuwa at magagalak sa iyo.
Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak:
Matuwid ang pagsinta nila sa iyo.
5 Ako'y maitim, nguni't kahalihalina,
Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem,
Gaya ng mga (B)tolda sa (C)Cedar,
Gaya ng mga tabing ni Salomon.
6 Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi,
Sapagka't sinunog ako ng araw.
Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin,
Kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan;
Nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978