Add parallel Print Page Options

Ako'y maitim, nguni't kahalihalina,
Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem,
Gaya ng mga (A)tolda sa (B)Cedar,
Gaya ng mga tabing ni Salomon.
Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi,
Sapagka't sinunog ako ng araw.
Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin,
Kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan;
Nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.
Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa,
Kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan,
Kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat:
Sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan
Sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama?

Read full chapter