Add parallel Print Page Options

10 Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak,
Ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube,
Ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta,
Na mula sa mga (A)anak na babae ng Jerusalem.
11 Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon,
Na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina,
(B)Sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa,
At sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.

Read full chapter