Add parallel Print Page Options

Papuri sa kasintahang babae sa handaan.

Narito, ikaw ay (A)maganda, sinta ko; narito, ikaw ay maganda;
Ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong (B)lambong:
Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing,
Na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng (C)Galaad.
Ang iyong mga ngipin ay (D)gaya ng mga kawan ng mga tupa na bagong gupit,
Na nagsiahong mula sa pagpaligo,
Na bawa't isa'y may anak na kambal,
At walang baog sa kanila.
Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula,
At ang iyong bibig ay kahalihalina:
(E)Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng (F)granada.
Sa likod ng iyong lambong.

Read full chapter