Add parallel Print Page Options

Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula,
At ang iyong bibig ay kahalihalina:
(A)Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng (B)granada.
Sa likod ng iyong lambong.
Ang iyong leeg ay (C)gaya ng moog ni David
Na itinayo na pinaka sakbatan,
Na kinabibitinan ng (D)libong kalasag,
Ng lahat na kalasag ng mga makapangyarihang lalake.
(E)Ang iyong dalawang suso ay (F)gaya ng dalawang batang usa
Na mga kambal ng isang inahin,
Na (G)nagsisisabsab sa gitna ng mga lila.

Read full chapter